16. Move on
"kailan ka pa natutong manigarilyo?" tanong ko kay red na naninigarilyo
"dati pa... pero tinigil ko ng sinabi mo" sabi nya
"eh bakit naninigarilyo ka ulit ngayon?" tumabi ako sakanya
"pang patanggal lang ng stress haha" saka nya tinapon ang ubos na sigarilyo
"Stress? eh wala nga tayong gingawa ngayon eh" natatawa kong sabi
"hindi dito sa mafia haha, nai-stress ako dahil sa nararamdaman ko sayo" tumingin sya sakin
umiwas naman ako ng tingin
"bakit naman?" seryoso kong tanong
"naawa ako sa sarili ko hahaha" napayuko sya
lasing yata to tsk tsk
"bakit nga?" humarap sya sakin
"naawa ako sa sarili ko dahil pinagpipilitan ko pa yung sarili ko sa babaeng mahal ko... sayo" napalunok ako
lasing nga sya -.-
"hindi mo naman pinagpipilitan" sabi ko
"napipilitan ka lang sakin, mesha.. alam ko yun" nanlaki ang mata ko ng may tumulong luha sakanya
"hindi, red... kaibigan kita kaya hindi ako napipilitan sayo" umiling sya at saka tumawa
"ayun na nga eh! kaya mo lang ako pinapakisamahan kasi KAIBIGAN MO LANG AKO!" sigaw nya
napapikit ako
ganito ba sya malasing? tss
"tell me, mesha.. mahal mo pa ba yung lourence na yun?! tell me!" ngayon nya lang ako sinigawan ng ganyan
at ramdam kong galit talaga sya
napatahimik ako
ayokong sabayan sya sa trip nya ngayon
lasing sya at hindi nya matatandaan ang mga ginagawa nya ngayon
"mesha! tell me!" hinawakan nya ang balikat ko at inalogalog ako "please.. tell me" napayuko sya at humagulgol na sa iyak
i don't wanna see him like this
nadudurog ang puso ko
BINABASA MO ANG
A Rude Boy Still In Love With Her (ARBFILIANG Book 2)
Romancebabaeng dating... nobody, manang, panget at nerd... at lalaking dating... playboy, walang galang at rude nagsimula sa panget na paraan nagsimula sa aksidenteng pagkikita nagsimula sa magkaaway at... nagtapos sa pagmamahalan madami silang pinagdaana...