19. flashback
Mesha POV:
*ding dong*
napahinto ang paghagulgol ko ng nag door bell
pinunasan ko ang mukha ko at nagayos ng sarili
saka ko pinagbuksan ang nagdoor bell
si red...
"mesh.. bakit maga yang mata mo?" di ko na napigilan ang sarili ko
napaiyak nanaman ako
"mesh..." tawag nya sa pangalan ko pero hagulgol lang ang nasabi ko
yinakap nya ako at hinimas himas nya ang likod ko
mas lalo akong naiiyak kapag kino-comfort eh
"anong problema? bakit ka umiiyak?" tanong nya
pero di rin ako nakasagot kasi iyak ako ng iyak
"shh.. tama na mesh.. tama na.." hinagod hagod nya pa ang likod ko
"s-salamat red.." humihikbing sabi ko
-
Red POV:
"ngayon ko lang siya nakitang umiiyak... sobra pa yung iyak nya" sabi ko kila denz
"woaaah! si princess mesha? umiiyak? impossible!" -denz
"tao din sya.. umiiyak, tumatawa at nalulungkot..." -kim
natahimik naman si denz sa sinabi ni kim
napabuntong hininga ako at agad na pumuntang parking lot
tinawag nila ako pero di nila ako pinansin
alam ko naman kung sino ang dahilan kung bakit umiiyak si mesh eh
si lourence lang naman ang may dating sakanya
dahil kay lourence.. natatawa sya.. nlulungkot sya.. nababadtrip sya.. sumasaya sya.. at umiiyak sya
mahal na mahal niya si lourence
ang sakit sakit... pero mas masakit kapag nakikita ko siyang umiiyak.. nasasaktan
BINABASA MO ANG
A Rude Boy Still In Love With Her (ARBFILIANG Book 2)
Romancebabaeng dating... nobody, manang, panget at nerd... at lalaking dating... playboy, walang galang at rude nagsimula sa panget na paraan nagsimula sa aksidenteng pagkikita nagsimula sa magkaaway at... nagtapos sa pagmamahalan madami silang pinagdaana...