20. Am i ready?
pinunasan ko ang luha ko pagkaalis ko galing sa paguusap namin ni lourence
di ko siya kinibo.. di ko siya sinagot sa mga tanong at sinabi niya.. mahirap eh.. sobra na akong nahihirapan
napahilamos ako ng kamay ko, napaupo rin ako sa sahig... bakit ganito? gustong gusto ko na siyang tanggapin pero natatakot ako, na baka... saktan nanaman niya ako at paglaruan nanaman kami ng tadhana
napadukdok ako sa tuhod ko at humagulgol
"I love him..." bulong ko sa sarili ko
pero paano? paano ko paiiralin yung pagmamahal ko sakanya kung ganito kagulo ang lahat? paano?
"Hija?"
nanlaki ang mata ko ng may narinig akong boses ng matanda.. napatingin ako sakanya
"P-po?" sagot ko sakanya
"Bakit ka umiiyak? May problema ba?"
Hindi ko siya kilala.. Ngayon ko nga lang siya nakita eh.. Pero kampante ako sakanya na pwede ko siyang pagkatiwalaan
"W-wala po"
pinunasan ko ang mukha ko na punong puno ng luha
"Siguro... Kaya ka umiiyak ngayon dahil sa lalaking mahal mo.. Tama?"
shit! paano niya nalaman?!
unti unti akong Tumango
"Sabi ko na nga ba eh... Halata kasi sa mukha mo hija.. Ganyan din ako ng bata ako.. Ganyan ako umiyak ng nagkaproblema kami ng nobyo ko.." -lola
napatingin ako sa kanya
"Umiyak lang ako ng umiyak nun... Dahil ayun lang ang kaya kong gawin sa sakit na nararamdaman ko.."
"A-ano po yung problema niyo ng nobyo niyo po nun?"
I'm curious now!
"Nagtaksil kasi siya sakin... Masakit na malaman ko iyon pero.. Hinusgahan ko kasi siya agad... Na sinadya niya iyon, pero ng inalam ko ang buong pangyayari.. Wala pala siyang kasalanan, di siya nagtaksil sakin, inunahan ko kasi siya ng panghuhusga..." napayuko siya
"A-ano pong nangyari?"
"Humingi siya ng tawad.. Nagpaliwanag siya na di niya yun ginusto at sinadya, Pinatawad ko siya dahil sinunod ko ang aking puso,Wala naman siyang kasalanan, Kaya tinanggap ko ulit siya... At ngayon? Matatag kami hija, hanggang ngayon.."
napanganga ako sa istorya nila, wow!
ngumiti siya sakin
"Ano bang kasalanan niyang Lalaking iniiyakan mo hija?"
"N-nagtaksil din po siya sa akin.." napayuko ako
"Alam mo na ba ang nasa likod niyang pinaniniwalaan mo?" kunot noo niyang tanong
umiling ako
"Alamin mo muna hija... bago mo siya husgahan.. baka ayan pa ang maging dahilan ng pagwasak ng pagmamahalan niyo.. sige hija, mauna na ako at baka hinahanap na ako ng aking asawa"
naiwan ako ng matandang nakatunganga
di ko na alam ang gagawin ko
-
"Alam mo mesha, tama yung matanda na yun eh, Sino ba yun?" sabi ni kylie
kinuwento ko kasi sakanya yung nangyari kanina
BINABASA MO ANG
A Rude Boy Still In Love With Her (ARBFILIANG Book 2)
Romancebabaeng dating... nobody, manang, panget at nerd... at lalaking dating... playboy, walang galang at rude nagsimula sa panget na paraan nagsimula sa aksidenteng pagkikita nagsimula sa magkaaway at... nagtapos sa pagmamahalan madami silang pinagdaana...