25

1K 32 34
                                    

25. Comeback?

Nablangko ang isip ko. Di ko alam kung tama ba yung narinig ko o totoo yun.

Napalunok ako at tumingin sa mga mata ni lourence. Kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata nya at seryosong seryoso ang mukha nya.

"H-hah?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Break na kami ni Mae-C" pahina ng pahina ang boses nya pero sakto lang na marinig ko.

Totoo nga ang narinig ko at hindi ako nabibingi. Break na sila ni mae-C at eto sya ngayon sa harap ko at sinasabi sakin lahat ng ito.

"Bakit?" Tanong ko. Napatitig naman sya sakin at ngumiti.

"Ayoko ng lokohin pa sya at paniwalain na sya ang mahal ko." Kumalabog ang puso ko sa hindi malaman na dahilan.

"Ahh.." wala na akong masabi kaya ayan nalang ang tugon ko. Di ko alam ang sasabihin, naaawa ako kay Mae-C dahil alam ko kung gaano nya kamahal si Lourence pero di ko alam kung bakit may konting saya akong naramdaman. Ang sama ko. Ang sama sama ko.

"Nerdy girl..." halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa pagtawag nya sakin. Yung tawag nya sakin na nakakapagpahina ng loob ko. Yung tawag nya sakin na nagpahulog sakin sa bitag nya. Ayun ginagamit nanaman nya pata mabihag ako.

"Ba-bakit? Bakit mo sinasabi yang mga yan sakin?" Mahina na tanong ko pero tama lang para marinig nya. Nakatingin ako sa mga mata nya, yung mata nya nakatingin din sa mga mata ko na parang hinahalukay yung buong pagkatao ko gamit lang yung pagtitig nya sa mata ko.

Napalunok ako at pumikit saka umiba ng tingin. Oo talo ako sa titigan namin, hindi ko kayang makipagtitigan dahil alam kong mahal ko pa sya at baka bumigay ako sakanya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa ako sa buhay..." kumabog naman ang puso ko ng todo at Napalunok. Nakita kong hinawakan nya ang kamay ko at saka tumingin pa sakin.

"H-hah?" Parang tangang sabi ko habang nakatingin sa kamay namin na magkahawak.

Yung puso ko ang saya-saya. Yung dating nararamdaman ko nun nung kami pa ganito na ganito.

"Mahal na mahal parin kita nerdy girl.. di ko alam kung bakit pero ikaw pa din ang tinitibok nito." Dinala nya ang kamay ko sa dibdib nya. Naramdaman ko naman na sobrang bilis ng pagtibok ng puso nya. Napanganga naman ako at napatingin sakanya, ngumiti lang sya sakin.

"Ganyan yan lagi kapag kasama kita o kahit makita lang kita, maamoy, marinig ang boses mo. Ganyan sya, parang nagwawala." Para akong hini-hypnotize sa mga sinasabi nya sakin.

I really love this man.. i really really love my rude boy.

"Nerdy girl... i always love you, always.." hinalikan nya ang kamay ko.

Mabigat ang paghinga ko at saka sya tinignan.

"Magulo pa ang paligid natin Lourence.. hindi naman siguro tama na magbalikan tayo ng ganito ang sitwasyon.." pahina ng pahina ang sabi ko na parang yung puso ko ayaw nyang sabihin ko yun pero ang utak ko ay gusto ang sinabi ko.

"I can wait... my nerdy girl." Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo.

Napapikit naman ako at dinama ang paghalik nya sa noo ko.

Sakanya lang talaga ako sumasaya ng ganito..

-

"H-huh? Sino ang andyan?" Tanong ko kay Red pagtapos ng sinabi nya.

"Si ms. Mae-C daw, gusto kang makausap." Tumango naman ako ng dahan dahan.

Anong ginagawa nya dito?

Tungkol ba kay Lourence yung sasabihin nya? Hmp. Wag naman sana kasi makokonsensya ako pag ganun.

"Sige papasukin mo." Sabi ko at tumutok ulit sa laptop ko.

Kinakabahan ako. Ano ba yan. Tsk.

"S-steph?" Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko si mae-c na parang down na down. Namamaga ang mata nya at namumula ang ilong nya, di pa yata sya nakapag make up gaya ng lagi nyang ginagawa, ngayon ko lang sya nakitang di naka make up pero kahit ganun ay maganda pa din sya. Maganda talaga sya.

"Oh.. mae-C kamusta?" Ngumiti ako pero sya ay matipid na ngiti lang ang sinukli sakin.

"Maupo ka." Muli pang sabi ko at agad naman syang umupo sa harap ko.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko. Nakita ko namang lumuha sya pero agad nyang pinunasan. Napasinghap ako. Wala pa man pero nakokonsensya na ako.

"T-totoo bang ikaw yung ex ni Lourence na di nya makalimutan?" Napaiwas naman ako ng tingin ng nagtanong sya ng ganyan.

What the eff.. ayoko ng ganitong usapan. Hays.

Nagkibit balikat ako. "I don't know..." halos pabulong na sabi ko.

"Please, be honesy steph, please.." nanginginig ang boses nya na parang ano mang oras ay hahagulgol na sya dito sa harap ko.

"Hindi ko nga alam mae-c." Mariin kong sabi. Naiinis na ako.

"Pero diba, ex ka nya?"

"Oo."

"Edi ikaw nga yun!" Nagulat ako ng pagtaasan ako ng boses ni mae-c.

"Wag mo kong pagtaasan ng boses." Mahinahon kong sabi pero gusto ko na syang sigawan din.

"Ikaw nga yun! Ikaw yung bitch na sumayang kay lour! Ikaw yung bitch na hindi pinakinggan ang side nya!"

*pak!*

Halos bumakat ang kamay ko sa pisngi nya. Nabigla naman sya at nakatulala sakin na para bang di nya expected na kaya ko syang sampalin.

Pinuno mo ko, kaya ayan.

"WALA KANG ALAM!" Sigaw ko sakanya at dinuro sya.

"Alam ko ang lahat! Kinuwento sakin ni Kuya migs!" Sinampal ko ulit sya.

"Hindi porke sinabi na sayo ay alam mo na! Hindi mo alam ang side naming dalawa kaya wag kang mag magaling! At oo! Oo! Ako yung ex nya na hindi nya malimutan! Ako yung ex nya na mahal pa din nya hanggang ngayon! At hindi ko din sya malimutan at mahal ko pa din sya. Oh ano ka ngayon?" Tumitig ako ng mariin sakanya. Sya naman ay napahagulgol na.

"Hindi kayo pwedeng magbalikan! Hindi!"

"At bakit naman hindi? Pwedeng pwede kaming magbalikan kahit kelan namin gusto." Ngumisi ako at tumalikod na sakanya.

Paalis na ako pero napatigil ako sa sinabi nya..

"Buntis ako Steph! Buntis ako at si Lour ang ama!"

+++++chapter end+++++

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Rude Boy Still In Love With Her (ARBFILIANG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon