21. Happy Birthday
Pinunasan ko ang luha ko at tumakbo pabalik sa birthday party ni red
"Mesh! Buti nakarating ka!" Si red at bumeso pa sakin
"Hmp! Ewan ko sayo!" Umirap ako sakanya
"Woah! At bakit patampo-tampo ka diyan? Haaaah?" Sinundot sundot niya ang tagiliran ko
"A-ano ba tsk!" Pagsusungit ko
"Ano bang problema mo haaa? Mesh?" Ngumiti pa ang loko
"Ikaw kasi! Di ka nagsabi na birthday mo ngayon!" Saka ko siya hinampas sa braso
"Aww! Yun lang?! Syempre! Surprise wahahaha" napairap nalang ako sa kakulitan niya
"Ikaw talaga..." Napailing pa ako
"Kain ka na mesh!" Sabay bigay niya sakin ng gabundok na pagkain sa plato
"Ano?! Lahat yan kakainin ko?!" Sigaw ko. Paano ba naman sobrang dami! Gusto ba nitong sirain ang sexy kong katawan?! Charot! Hahaha.
"Kumain ka nalang ano? Kasi sobrang payat mo po, di ka sexy kuha mo yun? Payat ka! Payaaaat!" Nakakainis tong lalaking to ah!
"Ikaw ah, payatot" balik kong asar sakanya
"Mas payat ka naman, ang creepy nga eh, payat ka pero mayroong chubby cheeks hahaha" nanlaki ang mata ko
"Ano?!"
"Hahaha walaaa, ikaw po ay kumain naaa!" Inirapan ko siya at sumubo ng pagkain na bigay niya
Di ko to uubusin, 1/4 lang nito ang kakainin ko, hmp!
"Can i court you?" Nabuga ko naman ang laman ng bibig ko
Grabe itong pulang ito, masyado akong binibigla
"Wahahaha sobrang gwapo ko kasi kaya napabuga ka" nagyabang nanaman
"Ikaw na pula ka, tigilan mo ako sa mga kalokohan mo ano? Kasi nakakairita po, at saka bigyan mo naman kahit konting kahihiyan ang sarili mo, palibhasa napunta lahat ng kahihiyan mo sa pangalan mo, tsk tsk.." -ako
"Nakuuuu! Nagtanong lang ako noh!"
"Red.. Alam mo na ang sagot diyan, kaya pwede ba..." Napabuntong hininga siya sa sinabi ko at nalungkot
Nakuuu! Naguilty tuloy ako, birthday na birthday lumungkot dahil sakin!
"Huy red.. Alam mo naman na yun diba? Im sorry..."
Aiiish.. Bakit ba kasi kami napunta pa sa ganitong topic eh, Yan tuloy
"M-maghihintay ako mesh.." Tumango ako sakanya
"Sorry ah?" -ako
"Okay lang noh! Wala yun! Naginarte lang ako! Haha!" Halatang peke ang tawa tsk
Kumuha ako ng kutsara at tinidor
"Woy! Para saan yan? Meron ka ng mga kubyertos oh!" Napailing ako
"Oh!" Sabay abot sakanya ng kubyertos
"Para saan ito?"
"Tulungan mo akong ubusin ang mga binigay mong pagkain!" Sabay kuha ng pagkain na binigay niya
"Sayo lang yan, wag kang madaya. Kumain ka ng magkalaman ka naman!" Nagtaas ako ng kilay
"Sino ang boss dito?" Bossy na sabi ko
"Aish! Eto na poooo" sabay kain
Natawa ako, takot din pala eh hahaha
Kumain na din kami. Ano ba yan, iisang plato lang ang gamit namin hahaha
BINABASA MO ANG
A Rude Boy Still In Love With Her (ARBFILIANG Book 2)
Romansbabaeng dating... nobody, manang, panget at nerd... at lalaking dating... playboy, walang galang at rude nagsimula sa panget na paraan nagsimula sa aksidenteng pagkikita nagsimula sa magkaaway at... nagtapos sa pagmamahalan madami silang pinagdaana...