Ghosting' marks the dead-end of a relationship.
Rose's POV
Panibagong hamon na naman para sa taon na ito. Ramdam ko na ang pagiging juniors namin dito sa Top Line Academy.
Woooooo! Huminga kong malalim at ngumiti ng tahakin ko ang school campus hinahanap ko ngayon ang bestfriend kong si Mark. Kitang-kita ang excitement sa lahat ng students na nasasalubong ko dito sa Top Line.
"Rose!!!!" Rinig na rinig kong sigaw ni Mark sakin na nagmumula sa gilid ng stage. Kumaway ako bilang sign na nakita ko na siya. Napukaw ng atensyon ko ang mga kasama pa nito.
Si Corrine at Czymon. Ang lovey-dovey ng classroom. Kaso sa nakikita ko mukhang hindi maganda pasok sa kanila ng opening school year.
Pagkalapit na pagkalapit ko ay binungaran agad ako ni Mark ng napakadaming daldal about sa summer na naganap sa kanya.
"So ayun nga ang kwento ng summer ko. haha how about you?" si Mark.
Di ako masyadong naka focus sa sinabi nya dahil yung atensyon ko ay nasa usapan ni Corrine and Czymon na kanina pa mukhang hindi maganda ang usapan.
"Ayoko na. Tapusin na natin 'to." si Corrine
"Bakit? Anong rason para maghiwalay tayo? Sabihin mo sakin" si Czymon
"Wag ka ng magtanong please lang. Ayoko na. Tapos na tayo!" si Corrine at nag-umpisang umiyak.
Agad na umentra si Mark sa eksena.
"Sige na Czymon umalis ka na muna..." At itinayo ang umiiyak na si Corrine na nakaupo na.
Nagsign na lang ako ng expression kay Czymon na sundin nya na lang yung sinabi ni Mark.
"Fine!" At umalis na 'to.
Nakaramdam ako ng lungkot that time dahil sa dami ng nagsasaya ngayong pasukan na ulit eh meron pa ding mga tao na di nakasabay sa takbo ng masayang bungad ng pasukan.
"Okay ka pa ba?" tanong ni Mark sa hanggang ngayon eh umiiyak na si Corrine.
"Malapit na ang unang period tahan na Corrine" ako at niyakap 'to "Di mo man masabi ang rason sa kanya ngayon eh yun ay dahil may dahilan ka at may tamang oras at panahon para malaman nya yun at hindi pa siguro 'yon ang oras na 'yon. Kaya tahan ka na." dugtong ko.
"Big girls don't cry. Right?" si Mark. Tumango naman na si Corrine at pinunasan ang kanyang luha tsaka ngumiti sa amin.
---
Dumating kami sa classroom at nasalubong namin na papalabas ng classroom si Czymon at Francis na bagong classmate namin sa klase. Ang cold ng aura that time ng magkasalubong kaming lima.