Keep busy at something: A busy person never has time to be unhappy.
Corrine's POV"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ko at pumiglas sa pagkakahawak nya sakin.
"Pinag-uusapan ka ng buong klase." siya.
"Oh? Ano naman sayo kung totoo diba? Wala naman ng tayo." sagot ko.
"Corrine! Ang pinag-aalala ko yung sakit mo. Kilala kita alam kong di mo gagawin yung mga 'yon diba." siya.
Sorry Czymon.
"Oo kilala mo ko kaya 'wag ka na lang maniwala sa mga usap-usapan mas mabuting kinausap mo ko kaysa sa naniniwala ka kaagad sa mga sinasabi ng iba." pagsisinungaling ko.
"Pwede na ba ulit maging tayo?" tanong nya.
Inirapan ko na lang ito at naglakad na.
Huwag mo na ako pilitin dahil ayokong masaktan ka pa sa ginagawa ko. Tama na siguro 'to.
Nasalubong ko si Francis ng paakyat na ko.
"Uy Francis." pagpansin ko rito at pinansin din naman ako.
Czymon's POV
"Okay ka lang pre?" tanong sakin ni Francis na marahil ay nakasalubong si Corrine.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa iniisip ko kung magkakabalikan pa nga ba kami.
"Ah; Oo ayos lang." sagot ko.
"Samahan mo na ko may pinapautos yung prof. natin. Gusto magpaphotocopy ng ituturo nya." si Francis.
At sinamahan ko na nga sya.
Hindi totoo ang kumakalat kaya naman nakahinga ako na hindi pinababayaan ni Corrine ang sarili nya.
---
Pagdating sa taas ay pinagrupo kami sa lima na binubuo ng anim na miyembro para sa aming project. Kasama ko si Joan, Faye, Jenny, Francis, Ako at si Corrine.
Inaasar kami sa klase dahil magkagrupo kami. Nakikita kong naaasar si Corrine pero nakikitawa na lang ito.
Nakikita ko din namang inaasar ako ng grupo nila Mark at Rose kahit alam nila yung sides namin, siguro dahil ayaw din nilang mahalata o malaman ni Corrine na nakapag-usap kami.
Matapos ang klase ay nagmamadaling umalis si Corrine hindi ko na namalayan kung saan ito dumaan. At habang ako ay magsusuot na ng bag ay niyaya ako ni Mark na sumama ako sa kanila at pupunta silang mall. Umoo ako dahil wala na din naman akong gagawin pagdating sa bahay.