You learn more about someone at the end of a relationship than at the beginning.
Rose's POVMarahil ay galing 'to sa kanila at may naiwanang gamit.
"Nakita nyo ba si Corrine?" tanong nito.
"Oo, kasama namin sya kanina." si Mark.
Bakit nya kaya tinatanong?
"Saan na daw sya pupunta?" tanong ulit nito.
"Actually sabay-sabay dapat kaming umuwi ngayon eh kaso bigla syang naging aligaga at mauuna na daw sya samin kaya ayun pinauna na namin." pagpapaliwanag ni Mark.
"Nagtext ako sa kanya na magkita kami pero iba ang nagreply." si Czymon.
"Ay! Sino! Omg!" si Mark.
Maging ako din ay curious kung sino.
Pinabasa ni Czymon ang message sa kanya.
Message:
Sino 'to? Hawak ko ang phone ni Corrine. Kaibigan nya 'to Lennon.
"Lennon?" ako. "Hindi ba't familiar?" tanong ko kay Mark.
"OMG!" si Mark na may paghigh pitch pa.
Pareho nga kami ng nasa isip neto.
"Wala akong Lennon na ex beh." sapaw ni Mark na akala ko pareho kami ng nasa isip na pamilyar yung name.
"Tungak! Familiar talaga yung name na Lennon" ako.
"Kilala mo ba?" tanong ni Czymon sakin.
Sa totoo lang wala ako sa mood kausap itong lalaking ito eh.
"Pamilyar lang. Hindi ko matandaan." sagot ko dito.
"Naaalala ko na. Yung Lennon yun yung guy na pinakita nya satin sa yearbook nya." si Mark na ngayon ay naaalala na kung sino yung Lennon. "Sa pagkakatanda ko pa nga dalawang lalaki yung ipinakita nya yung isa Bryle yung name." dugtong pa ni Mark.
"Yung Bryle kilala ko dahil nakwento na sakin ni Corrine pero yung Lennon hindi ko kilala." si Czymon.
"Napaka juicy naman." si Mark. "Juicccccccy..." dugtong pa nito.
Matapos ng pag-uusap na iyon ay napagdesisyunan naming tatlo na pumunta sa bahay ni Czymon pag-aya na din nito dahil sa mga tanong ni Mark na gusto malaman ang side ni Czymon na mismong ako din ay gustong malaman.
---
"Ayun nga. Ano ang take mo sa hiwalayang Czyrinne, Cormon, Czymon-Corrine juicy couple?" si Mark.
Loko-loko talaga 'to. Haha.
"Hindi ko alam kung bakit sya nakikipaghiwalay sakin. Itong mga nakaraang linggo na lumipas hindi kami nagkakausap maski sa text, nakikita ko nga lagi syang online kahit 2am ng madaling araw pagkakausapin ko sa chat ang reply pagalit pa." si Czymon.