You are free to choose, but you are not free from the consequence of your choice.
Czymon's POVTotoo kaya yun? Alam nyang may sakit sya ah.
"Nakikinig ka pa ba?" si Francis.
"Oo, 'Wag na muna natin pag-usapan yung tungkol sa kanya." ako na sa loob-loob ko ay kailangan ko syang makausap kung totoo ba ang nalaman ko.
Dumating na din ang iba pa naming kaklase at ilang minuto lang ay dumating na din ang professor namin at nagtalakay na sa kanyang itinuturo.
Hindi ako makapagfocus sa tinuturo kaya naman lumabas ako ng room para magrestroom pero nauwi sa paglalakad sa garden ng Top Line.
Rose's POV
Niyaya ako ni Mark na maglakwatsa sa Top Line para hanapin ang crush nya dahil masyado pang maaga para sa susunod na subject.
"Sino ba'ng hinahanap natin?" tanong ko.
"Ha? Wala naman. Gusto ko lang talaga maglakad tsaka ang boring sa classroom." si Mark na halatang nagrarason sakin.
"Haha. Kilala kita basta mga ganito alam kong finding crush 'to pag ganito." ako.
"Oo nga. Ayaw maniwala." sya na ayaw pa din umamin.
"Hmmmmm. Talaga lang ha." ako.
"By the way naririnig ko yung usapan kanina nila Faye at Joan about Corrine." si Mark.
"Ano yung narinig mo?" ako na curious din.
"Nakita daw ng kaibigan ni Joan si Corrine sa isang bar may kainumang lalaki and I think the guy na tinutukoy is yung Lennon na pinag-uusapan natin kahapon with Czymon. Napaka juicy ng ganapan diba." si Mark. "Hindi pumasok si Corrine kanina." dugtong pa nito.
Oo nga 'no hindi sya pumasok.
"Pati nga din si Czymon eh." dugtong nya pa ulit.
"Alam mo madami pa tayong problema wag na natin problemahin yan. Problema na nila yan." ako.
Bumalik na din kami dahil malapit na dumating ang professor namin.
---
Pagdating namin dun ay napansin kong nandoon na si Czymon kasama si Francis pero si Corrine wala pa din. Nagstart na ang klase at nakinig na ang lahat.
"Huy bakla pahiram ballpen." si Mario.
"Wala na kong ibang black na ballpen beh." sagot ko. "Si Mark hiraman mo." dugtong ko.