What is meant to be will always find its way.
Rose's POV
Maaga natapos ang klase kaya naman napagdesisyunan kong ayain si Mark at si Czymon sa bahay dahil may group work din kaming gagawin.
"Napapansin ko ha 'yang mga tingin mo ha." si Mark.
"Ha? Ano ka ba? Napapraning ka lang." sagot ko.
"Alam mo matagal na tayong magkaibigan kaya huli ko na kung kailan ka nakikiliti at kinikilig o di kaya nama'y nag-aasam na ng lalaking magpapainit ng gabi mo." si Mark at may gustong itumbok.
"Hoy! Napaka OA naman nyang sinasabi mo. Masaya lang ako kaya siguro happy yung eyes ko." depensa ko.
"Oh eh bakit may pagngiting parang may huling patak ng ihi?" si Mark na ayaw akong tigilan.
"Hoy hahaha grabe naman. Wala. Ano ka ba. Kilala mo naman ako. Oo nagka crush ako pero when it comes to commitment wala akong balak." pagpapaliwanag ko.
"At may commitment na agad ha eh ang tinutukoy ko lang eh bakit napaka shiny and shimmering ng eyes." si Mark "Malakas talaga pakiramdam ko eh. May something." dugtong pa nya.
"Wala nga. Ano ka ba." ako.
Wala naman talaga eh. Wala akong balak magkagusto sa kahit na sino ngayon.
Papunta na si Czymon dito sa bahay. Hindi namin sya kasabay dahil may dadaanan muna sya kaya kami lang muna ni Mark ang nandito.
Dalawang linggo na din pala ang lumipas simula nung makasama namin ni Mark si Czymon. Hindi na din nauungkat masyado sa classroom ang tungkol sa hiwalayan nila ni Corrine pero napapansin ko medyo busy na si Corrine at nangunguna na sa aming klase. Motivated sya mag-aral.
Ilang minuto pa ay dumating na si Czymon at may dala itong pagkain.
"Wow sakto." si Mark.
"Papasok." si Czymon at nagtanggal ng sapatos pagkatapos ay pumasok na at umupo sa upuan.
"Aba ayan na naman 'yang mata mo ha." pagbulong sakin ni Mark. "Umamin ka nga sakin ha. May gusto ka ba kay Czymon?" dugtong nyang tanong na nagpainit ng tenga ko.
Ha? Ano bang pinagsasabi nito ni Mark!; Wait! Bakit parang tumitibok ng mabilis 'tong puso ko.
May gusto ba ko? Wala sa pagkakaalam ko.
Ayaw ko nga sa lalaking ito eh.
Di ko nga sya type.
"Anong pinagbubulungan nyo?" tanong ni Czymon.
"Ha! Ah. Eh wala. Ano ka ba. Nagriritwal lang talaga si Mark." medyo na pataas ang boses ko dun.