Dahil binasa mo ito, ESTUDYANTE ka!
*************************************************************************************************************
BABALA/PAKIUSAP/PAALALA: ang nilalaman ng kontekstong ito ay pawing kalokohan lamang, kung ikaw ay naghahangad matuto ay huwag mo na basahin ito at baka ikaw ay matuto lamang ng kalokohan sa buhay. Pero kung trip mo tumawa. Basahin mo na din. ang komento ay maari mong ilagay sa comment box, kahit ano sabihin mo, ayos lang.HAHAHAHAHA
*************************************************************************************************************
Maraming mga kalokohan, kabobohan, katangahan at katarantaduhan ang nangyayari satin kapag estudyante tayo. Andiyan yung nadapa, umiyak dahil naloko, nanuntok at nakipagbugbugan dahil niloko at nanloko, andiyan din ang maging utusan at uto uto sa mga titser at mangopya at magpakopya sa mga kaklase mong walang utang na loob. Bukod diyan, mararanasan mo din syempre ang mabully at mambully! Karamihan yan ang nararanasan kapag ikaw ay estudyante. At kung naransan mo yan! ESTUDYANTE KA!
Pero syempre, hindi lang puros kalokohan alam mo kapag estudyante ka, noong nagsimula tayong magaral, natuto tayo magbisyo, magsugal at higit sa lahat magsinungaling sa ating mga magulang, yung tipong, “Ma, gagawa lang po ng project!” pero sa totoo lang, gagala at magpapakasarap lang naman sa barkada.
Pero noong naging estudyante tayo, natuto rin tayong magmahal, magparaya at magbigay, pero korni na yun, kaya ibang usapan naman tayo.HAHAHAHA. gasgas na kasi, kaya ganitong klaseng ARTICLE ‘kuno’ naman ang gagawin ko.
Ang article na ito ay tatalakay sa lahat ng klase ng estudyante, mapa high school ka man o college, pwedeng pwede mo basahin to. Hindi ako namimili ng readers, kaya basa lang ng basa!
Ang tanong, paano ko sisimulan tong kalokohan ko?! -_________-
AHAAAAAAAAAAAAA!
Bakit nga ba pumapasok ang mga estudyanteng katulad mo?!
Ang numero unong dahilan ay ang ALLOWANCE/BAON! Sino nga ba naman ang hindi sisipagin pumasok kung ang baon mo ay isang daan at malaki pa. kahit akong si tamad magaaral na, papasok at papasok ako para ditto. Hindi sa mukhang pera, pero kapag marami kang pera marami ka kasing magagawa.
Pangalawa, Makita si CRUSH/LOVEONE, yung mga tipong Makita mo lang masasabi mo na sa sarili mo “buo na araw ko!” pero di mo alam, sira na araw niya nung nakita ka niya. LOL. Joke!pero di nga, may mga taong napasok dahil diyan, kahit paa lang at kamay ang Makita kuntento na.
Pangatlo, ang MAKATAKAS SA UTOS SA BAHAY, gawain ko to e! kahit walang klase, pumapasok at pumapasok, para lang hindi mautusan at maging alila, parang hitting two birds with one stone, may baon ka na nga, nakaligtas ka pa sa utos! San ka pa?! minsan nga nauwi pa ako ng gabi, makaiwas lang sa hugasin sa bahay! HAHAHAHAHA. Kayo ba? ano trippings niyo?
And lastly, para MATUTO! Matuto magdota, kumain ng bagong pagkain at malaman ang mga bagong tambayan! San ka pa?! kapag nagcollege ka, nasayo na ang lahat, KALAYAAN at KALOKOHAN! Matututo ka din ng techniques kung paano manligaw at magboy hunting, sa dami mong taong makakasalamuha, pustahan tayo, information overload ang mangyayari sa’yo!