Aya's Pov
"Basta ha, kapag nagkulang yan huwag jang mahiyang bumalik at magsabi ha Aya. Huwag mo ng ulitin yung nakaraan ha." Sabi pa ni Tita habang inabot niya sa akin yung 2k.
"Opo ta, hayaan nyo ho lalo ko pa hong pagbubutihin." Sabi ko sakanya atsaka niyakap siya.
At nagpaalam na ako, lumabas na ako at nag-abang ng jeep. Papasok na ako sa school, may project kasi ako na nangangailangan ng malaking halaga kaya ayan. Nalaman din ni tita dahil kaklase ko yung kapitbahay nila, pero hindi kami close.
Nung nakaraan kasi sobrang nangangailangan na ako ng pera pero hindi pa ako nagsabi sa kanya dahil nahihiya akong manghingi. Kaya ayun na sermon pa ako kay Tita.
Bumalik naman ako sa diwa ko ng may tumigil ng jeep sa harapan ko. Agaran akong sumakay doon, jusme! Naranasan niyo na ba yung ganito.
Yung tipong sobrang puno na at halos kalahati nalang ng puwit mo yung naka-upo. Ugh. Well, ganyan talaga ang buhay. May mga sitwasyon na kailangan mong ipagsiksikan ang sarili mo kahit sa totoo lang ayaw mo naman.
Hugut ba? Haha. Edi wow kase.
"Kuya bayad po." Sabay abot ko ng bente pesos, and yes mula sa amin hanggang sa school at konting lakad pa ay nasa school na ako.
Nang makarating ako ay diretsyo na ang lakad ko papunta sa room namin, para matulog saglit sobrang aga ko pa kasi. 8am palang ang klasi ko pero andito na ako ng 7:30. Ayoko kasing mag stay sa bahay, dahil si Nanay siguradung sesermunan lang din ako nun.
"Wsssssst!" Nagulat naman ako, lumingon ako pero wala namang tao.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng muli na ko na namang narinig iyon. Medyo natatakot na ako ha. Ang creepy talaga bg school na 'to. Minsan kasi habang pauwi ako nun sa bahay, dumaan din ako dito at biglang namatay yung isang lamp post.
Kaya ayun karipas ako ng takbo. Pero ano pa nga bang dapat kong ikatakot, umaga naman. Isa pa may mga nakakasalubong din akong mga estudyante.
"Huyy!"
"Ay! Palakang bukaka nasagasaan ko!" Sigaw ko rin.
"Hahahahahahaha!" Tawa naman ng ungas na 'to, lumapit ako sakanya at dali-dali siyang kinotongan.
"Aray ha?" Angal pa niya. Pasalamat 'to sobrang bait ko lang talaga.
"Ay! Palakang bukaka nasagasaan ko!" Sigaw ko rin. Tanong ko sakanya atsaka na muling naglakad. Sumabay naman 'tong baliw na 'to.
"Ohh. Asan si Ashley?" Tanong ko sakanya.
"I don't know, she said that she will be late." Maarteng sabi niya habang sumusubo pa ng burger.
"Hindi ako nag-eenglish sa umaga Liam." Sabi ko at tinarayan siya. Bigla naman niya akong inakbayan.
"Haha. Oo na nga lang. Sige na ha pasok na ako, huwag mo kong masyadong mamiss ha." Sabay kindat pa ng sira ulo. Pumasok na siya sa classroom niya, engineering kasi siya.
Kung nagtataka kayo kung sino yun? Ako din nagtataka kung bakit nga ba tumagal kaming dalawa ni Ashley na kasama namin yun ng halos isang dekada na. Yun lang naman ang nag-iisang William Smith ng Quezon City, Phil-Am siya.
Pero hindi siya nabigyan ng chance na makita ang Dad niya, namatay kasi sa pagsusundalo. Dakila mga ganun. Yayamanin yan kahit papaano, kasi lahat ng pensyon ng Dad niya napupunta sa kanilang dalawa ng Mama niya.
Kaya ayan nabuhay sila, at simula elementary hanggang high school kasama na namin siya ni Ashley. Duwag kasi siya nung bata, dahil nga sa iba ang kulay niyang labanos, lalo na ang brown eyes at blonde na buhok niya.
Nabubully siya noon, at oo kaming dalawa ni Ashley ang tagapagtanggol niya. Dati naman naming kapitbahay si Ashley kaya lang dahil sa umasenso sila lumipat na sila ng bahay. Pero walang nagbago simula noon, hanggang ngayon.
Magkakasama parin kami, walang iwanan damayan. Haha. Best friend forever ba. Masaya kaming tatlo sa bawat isa, dahil parehas kami na iisang anak lang. Nakahanap kami ng kapatid namin sa ibang Nanay.
Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa classroom kaya naman agad akong dumiretsyo sa upuan ko at yumuko. Itutuloy ko na ang binabalak kong pagtulog kahit saglit lang. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinagaang ang kalooban ko.
Liam's Pov
I was about to text Aya when I saw her walking nearby, so I deicided to prank her. Haha.
"Wsssssst!" Tawag ko sakanya pero dedma. Sus. Napakamanhid talaga ne'to. Patuloy lang siya sa paglalakad at inulit ko ang misteryoso kong pagtawag sa kanya.
Napahinto siya pero hindi lumingon, this is the time na lumapit na ako.
"Huyy!" Panggulat ko sakanya, at napasigaw naman siya. Haha. Ang cute kang niya.
"Ay! Palakang bukaka nasagasaan ko!" Sigaw niya, kaya naman natawa ako. That's what I like about the two of them, yung mga banat nilang pang manang ni Ashley.
Dali-dali siyang lumapit sa akin at kinutusan ako, napangiwi naman ako. Pero hindi naman masakit yun, nagkukunwari lang ako.
"Aray ha?" Angal ko sakanya pero naglakad na siya ulit, hinabol ko siya at sumabay na ako sa paglalakad.
"Oh. Asan si Ashley?" Tanong naman niya agad sa akin. Everyday we go to school, pero ngayon nagpaalam yun ba malalate daw siya.
"I don't know, she said that she will be late." Maangas na sabi ko sakanya at sabay kain ko ng burger. I don't even eat my breakfast knowing Im going to be late.
"Hindi ako nag-eenglish sa umaga Liam." Mataray na sabi niya sa akin, kaya naman inakbayan ko siya. Hindi naman siya umangal sanay na sila sa akin ni Ashley.
Minsan nga napagkakamalan nila akong fvckboy, dahil sa babae ang mga kasama ko. Pero for sure kung panget lang ako at puro babae ang kaibigan ko, bakla ang tingin sa akin. Why? I feel comfortable when Im with them.
I have boy bestfriend back then, but they are already in states. Haha. Oo iniwan nila ako. Simula nun nung lumipat ako ng school sila Ashley at Aya na ang nagtanggol sa akin. Kaya naman hindi ko sila ma-iwan, feeling ko kahit minsan hindi ko maintindihan ang mga babae mamamatay ako kapag wala sila.
I don't find them attractive but I can't deny that they are both beautiful. Ang tingin ko sa kanila ay mga Ate, though mas matanda ako ng isang taon.
"Haha. Oo na nga lang. Sige na ha pasok na ako, huwag mo kong masyadong mamiss ha." Pang-inis ko sakanya atsaka pa siya kinindatan. Tinarayan niya lang ako, kunwari ay pumasok na ako pero sinundan ko pa siya ng tingin.
Naninigurado lang ako na makakalagpas siya sa building namin ng safe. Nakatanggap naman ako ng text mula kay Ashley.
From: Ashley Panget :P
Andito na ako, sunduin mo nalang si Aya mamaya. Sa dating tambayan ha? Daanan niyo narin yung yogurt ko sa locker ko.Utusera talaga. Pero ano pa nga bang magagawa ko boss ko sila. Nireplyan ko lang siya ng 'Ok', bago ko pa man ma-itago ang cellphone ko ay may nagtext ulit
From:Babe 1
Let's split. Im getting cold. Sorry.Huh?! What the?! Ugh. Inis kong itinago ang phone ko at umupu na sa upuan ko. I can't loose her. Anong gagawin ko? Putcha! Sobrang mahal ko pa si Sabina. Tumayo na ako at patakbong lumabas ng room, patungo ng room niya.
As I entered her room I saw nothing but her classmates roamming around.
"Where's Ina?" Tanong ko sa isa niyang mate. Pero tinignan niya lang ako ng masama.
"Hmm. I saw her back in her locker." Takot namang sagot ng babaeng 'to.
So I did run to where she is, but what I saw is a thing I don't what to see....
Am I that bad? Mahirap ba akong mahalin? Bakit kailangang iba pa?
'Bakit hindi na lang ako?'
Vote! Comment! Share!
![](https://img.wattpad.com/cover/86488288-288-k816475.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Na Lang Ako? (On going)
Teen FictionSusubukin ng storyang ito ang iyong pagkatao. Pagtitiwala at talino. Ano nga ba ang pamantayan ng pagiging isang mabuting kaibigan? At anak? Hanggang saan ka lalaban para sa mga taong mahal mo? Kakayanin mo kaya lahat ng pagsubok? Halika! Huwag kang...