Chapter 8

39 2 1
                                    

Ashley's Pov

Inihatid ko na si Aya sa bahay nila, pauwi nadin ako ngayon. Naghahantay nalang ako ngayon ng jeep na sasakyan ko para maka-uwi na ako. Medyo pagod na din kasi ako.

Naguguluhan nga ako kay Aya, parang walang nangyari sakanya. Natatakot ako na baka magkawatak-watak kaming tatlo ng dahil lang sa pangyayaring 'to.

Ayoko. Hindi ako papayag, ayoko ng mawalan ng kaibigan. Isa pa parang kapatid ko nadin sila, mahal ko sila dahil sila na ang naging karamay ko. Yun yung mga pagkakataon na sakanila mo na ma-ilalabas ang sama ng loob ko.

Minsan kasi nahihiya akong magsabi kila mama at papa. Lalo pat sobrang busy sila sa bussiness namin. Hindi naman ako nagrereklamo pero minsan namimiss ko parin talaga sila.

Bigla namang tumawag sa akin si Liam, kaya agad ko ding sinagot yun.

"Kamusta na siya?" Bungad niya sa akin kaya napataray ako.

"Wala man lang 'Hello'? Ayos na siya. Parang wala man nga lang nangyari. " Sabi ko kay Liam at narinig ko ang pagbunto niya ng hininga.

"Where are you? Im gonna fetch you." Sabi niya sa akin. Hindi naman ako tatanggi. Aba sayang pamasaghe ah.

"Sa may sakayan sa kanto nila Aya." Sambit ko lang at ibinaba ko na ang tawag niya.

Parang service na nga namin si Liam, hatid sundo kami niya. Anong magagawa namin RK. Tsaka isa pa bagiging praktikal lang naman kami. Lalo na si Aya na ubod ng tipid.

Ilang saglit pa ay pumarada na si Liam sa harapan ko at sumakay naman agad ako.

"What did she say to you?" Tanong agad niya sa akin. Wow ah! Masyadong atat!

"Nothing. Ang saya pa niya, and nilibre pa ako ng Ice Cream." Sabi ko lang sakanya at kinuha ang phone ko para makapagtext ako kay Mama.

"Is she mad to me?" Tanong pa niya.

"Nope. Basta Liam, parang normal lang siya. Hayaan na lang muna natin siya, maybe she need some space. And one more thing pwede dumistansya kana lang muna sakanya." Paalala ko kay Liam, baka kasi kulitin pa niya.

"This is my fault. Ugh!" Sigaw niya sa loon kaya binatukan ko siya.

"Umayos ka nga, baka mabangga pa tayo. Bayaan mo muna si Aya tinopak lang." Pagkukumbinsi ko sakanya.

"Sana nga." Mahina niyang sambit.

At patuloy na nga siyang nagdrive papunta sa amin. Mabilis at naging tahimik lang din ang byahe. Sana naman maayos ng natutulog yung bruha na yun. Kailangan niya ng pahinga sa mga nangyayari sakanya ngayon.

Lalo pat hindi parin nagigising si Tita Anne, kailangang lakasan ni Aya ang loob niya. Ngayon siya mas kailangan ng Nanay, naawa man ako sa kaibigan ko. Wala naman talaga akong magawa, hanggang sa pagpapagaan lang ng loob ang kaya ko sa ngayon.

"Salamat Liam." Paalam ko sakanya ng makababa ako. Diretsyo na akong pumasok at humiga sa kama ko, pagod din naman kasi ako.

Maaga ko na lang pupuntahan bukas si Aya.

Liam's Pov

"Tell me why do you have to do that?!" And I grabe her hands.

"Why Liam? Stop the act! I know your just using that girl to get me jelous." She talked back to me.

Andito ako ngayon sa bar na lagi nilang pinagtatambayan ng barkada niya. Matapos kong ihatid si Ash, dumiretsyo na ako dito para mapagsabihan ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Hindi Na Lang Ako? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon