Chapter 2

70 6 0
                                    

Aya's Pov

Patapos na ang klasi namin at naghahanda na ako para sa lunch. Hindi ko pa nga nakikita si Ashley o kaya si Liam sa labas. Asan na kaya mga yun? Bakit hindi nila ako sinusundo? Susme ne.

Hanggang sa magtext sa akin si Ashley.

From: Ashley^_^
          Hoy? Asan na kayo?

Hmf? Kayo? Kami? Magulo talaga kahit kailan babaeng 'to. Susme.

To:Ashley^_^
    Sinong kayo? Asan ka ba?

Reply ko sakanya habang sinasara ang bag ko. Tatayo palang sana ako ng biglang may humigit sa akin paglingon ko naman ay nakita ko si Liam. Baliw talaga 'to sinumpong na naman ng katopakan niya.

"Liam masakit!" Sigaw ko sakanya masyado na kasing mahigpit ang paghawak niya sa akin. Kinakabahan tuloy ako. Minsan lang kasi topakin yan pero malakas din ang impact.

Hindi niya ako pansin at halos mabuhat na niya ako papunta dito sa quadrangle. Nagtaka naman ako, akala ko kasi sa tambayan ang diretsyo namin. Andami pa namang tao dito, tapos peymus pa 'tong nanghihila sa akin. Panigurado chismis na naman ako.

Bigla kaming tumigil, pero hawak parin ni Liam ang kamay ko. Pinagtitinginan na nga kami.

"Ano Liam? Ayos ka ha? Bangis mo? Ano bang ga-ga-win na-tin di-to?" Mahina ko ng sambit sa huling mga salit ko. Dahil sa pagharap niya ay mga luhang nagkakarera ang nakita ko sa maamo niyang mukha?

"Napano ka? Anong drama yan ha?" Pabiro ko pang sambit sakanya, hahamapasin ko sana siya sa braso pero nahigit niya ako palapit sa kanya.

Sa isang iglap labi na niya ang nabanga ng labi ko. Tuluyan namang nanlaki ang mga mata ko, nakikita ko siya nakapikit. Hinahalikan niya ako ng marahan, anong gagawin ko. Nakatingin na sa amin ang lahat, nataranta ako ng may makita akong nagvivideo sa amin.

Na-itulak ko siya. Napa-urong naman siya at tinignan ako, may luha ng tumulo sa mga mata ko.
Hindi ko din alam kung bakit, kaya naman tumakbo na ako. Buing lakas kong itinulak ang lahat ng mga taong nakapulong sa amin kanina.

Isa lang ang alam kong puntahan ngayon na walang makakasunod sa akin. Pero bago pa man ako makalayo ay may sigaw akong narinig.

"Aya! Sorry! Teka lang!" Sigurado kong siya yun.

Kaya mas lalo ko pang binilisan pero ano pa nga bang magagawa ko. Mas mabilis siya, malapit na kami sa tambayan namin ay nahablot na niya ako.

"Aya sorry, please let me explain." Sabi niya pero hindi ko siya tinitignan, dahil nakatabingi ang ulo ko. Ibinaling niya ito sa gawi niya kaya naman agaran kong ipinikit ang mga mata ko.

Niluwagan niya ang paghawak sa akin, kaya naman tumakbo na ulit ako papasok dito sa Tabayan namin. Agad kong nakita si Ashley doon na naka-upo. Patakbo akong lumapit sakanya at niyakap siya.

"Wow ah? Miss mo ko? Asan si Liam?" Walang pake niyang tanong sa akin. Hindi ko naman napigilan ang paghikbi ko.

"Ohh. Napano ka?" Alala niyang tanong sa akin at iniangat ang ulo ko. Saka niya pinunasan niya ang mga luha ko.

"Nanay mo ba?" Tanong pa niya sa akin. Umiling naman ako atsaka ikinalma ang sariki ko.

"Hey? Aya Im really sorry. Please." Biglang pagsulpot ni Liam sa may pintuan. Rinig iyon dahil nag-eecho.

Hindi ako nagsalita.

"Hmf? Nag-away kayo? Ano dahil lang ba yan sa yakult?" Pabibo bang tanong ni Ashley.

"No. Aya please let me explain. Nabigla din ako, sobrang galit ko." Sabi niya at nasa harapan ko na siya pero hindi ko siya tinitignan.

"Ano kaya ka basta-basta manghahalik?!" Sigaw ko. Na-iinis kasi ako.

"What the?!" Sigaw na din ni Ashley.

"Totoo ba 'to?!" Pag-uusisa pa niya sa amin.

"Aya, hahayaan mo bang masira ang pinagsamahan nating tatlo ng dahil lang dito. Please, just let me explain." Pagmamakaawa niya at lumuhod na siya sa harapan ko.

"Sige. Pero siguraduhin mong matino yang sasabihin mo." Babala ko sakanya.

"I saw Sabina kissing a guy. But before that she texted me that she wan't to break with me. I was just so angry, papunta ako sa room mo dahil nga pinapasundo ka ni Ash. Yun lang ang tanging nasa isip ko, then I decided to get a revege. So I kissed you in public, sorry if it had to be you. Please forgive me." Naluluha niyang sabi. Wala naman akong ma-isagot.

"Kasalanan naman pala nung haliparut na yun. Sabi ko naman sayo Liam wala kang mapapala dun pakgirl yun. Tsaka okay nadin yung si Aya hinalikan mo, hindi kung sino-sinung babae jaan sa campus." Sulsol ni Ash. Kahit kailan talaga wala siyang magandang sinabi.

"Aya? Ano?" Tanong niya aa akin.

"Pasalamat ka, sobrang bait ko. Naku, pagchichismisan na ako niya." Yumuko ako saka ginulo ang buhok ko. Paano ko kaya tatakasan 'tonf problemang ito.

"Sorry, hindi ko na na-isip yun." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

Ilang minuto kaming tahimik dahil parehas kaming nag-iisipa ng paraan para lang matakasan namin ang problemang yun. Kaya lang walang magandang pumasok sa isipan ko. Ano yun? Paano nalang ako niyang maglalakad sa hallway? Sigurado pangalan ko lang ang maririnig ko.

"Aha!!" Sigaw ni Ash.

"Ayusin mo yang suggestion mo." Seryosong sabi ni Liam. Puro kasi kalokohan yang batang yan.

"What if, you two pretend that your couples?! Diva? Atleast wala silang masasabi. Tsaka mapagseselos mo pa yung Sabina na yun! Haha." Tawa pa niya. Napa-iling naman ako. Sabi na, wala talaga.

"Tama si Ash. What do you think Aya?" Tingin nilang dalawa sa akin habang taas baba ang mga kilay nila. Umiling naman ako.

"Osige bahala ka. Ikaw lang naman ang pagchichismisan, si Liam alam namang malandi talaga yan." Pangongonsensya ni Ash sa akin.

Napa-isip naman ako, hayy! Ano pa nga ba. It's a one way to make it. Dahan-dahan ko ng itinago ang ulo ko.
















"So Aliyah Corpuz, your officially mine."

Vote! Comment! Share!

A/N: Uhmm. Kailangan ko po ang tulong ninyong lahat, kung like niyo po ang story na 'to. Help me first to get 30 votes! HahaxD masyadong mataas pangarap eh. Well, mabuti na yung may pangarap. At kapag meron na po 'tong 30 votes, mag-UUD na po ako. So ikalat niyo ho ito sa mga fwends niyo, para ituloy ko po. Thanks! Godspeed!

Bakit Hindi Na Lang Ako? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon