Dakilang Guro

83 3 2
                                    


Batid ng lahat ang katotohanan. Buong sibilisasyon, sambayanan, at ng lipunan. Isang madilim na bahagi ng ating buhay. Sulok kung saan mangangapa lamang sa takot. Takot na siyang haharang sa ating mithiin. Takot na siyang magtutulak sa atin palayo sa ating minimithing paraiso. Ngunit darating ang pagkakataong tatanungin ang sarili. Ano itong liwanang na siyang mitsa ng bagong imahe ng ating mundo? Tatagpuin tayo ng isang tao na magsisilbing instrumento. Isang instrumento na siyang tatatak sa ating puso't isipan. Ituturing na masipag na magsasaka ng leksyon na humahasa sa aking pagkatao. Siya'y walang iba kundi ang ating mga guro. Isang guro na magpapagaan sa ating mabibigat na problema. Isang guro na masasandalan sa oras ng pangangailangan. Hindi sapat ang mga salita upang punan ang iyong sakripisyong pinuhunan. Ngunit narito pa rin ako. Patuloy na nagpipinta ng aking kwento. Kasama ka bilang pangalawang ina/ama ng buhay ko. Sa pagkakataong ito ay nais kong ipaabot ang aking taos – pusong pasasalamat sa iyo. Ngunit asahan na hindi pa rito nagtatapos ang natatangi nating kwento. Sa huli ay nais kong ipagmalaki sa buong mundo na ikaw ay isa sa aking natatangi at dakilang guro.

A/N: Kahit na malabong mabasa ito ng mga naging at magiging teachers ko, Happy Teacher's Day! Para sa mga teacher diyan, kung meron man, para sa inyo ito. Follow mo ko sa twitter dali @akoposiarchie . Thanks! Lovelots.

Salita at Letra (On - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon