Paalam

29 2 0
                                    


Naaalala ko pa ang mga sinabi mo sa akin noon. Bawat salita ay pilit inuunawa at tinatanggap ng puso't isip ko ngayon. Iniwan mo ba talaga sa akin ang pagmamahal mo? O baka nama'y yun lamang ang inasahan ko? Kung kailan naman kasi mahal na mahal na kita, doon mo ka pa nawala. Oo, pinipilit ko. Pinipilit ko pa ring tanggapin ang katotohanang sana'y isa na lamang malaking kasinungalingan. Hindi ko maialis ang mga ala – ala nating magkasama. Ang bawat sakit, luha, ngiti at saya sa tuwing tayo'y nasa piling ng isa't – isa. Bakit ngayon pa? Kung pwede lang sanang maibalik kita sa akin. Kung pwede lang sanang muli kitang yakapin. Mahirap man gawin ang magpanggap na walang alam. Ito lang ang naiisip kong paraan upang maialis ang pangungulilang dinaramdam. Kaso ang lahat ng ito ay hindi na maari dahil huli na. Wala ka na. Paalam.

A/N: Wala pong forever hanggang hindi ko pa nasusulat yung The Author's Love Story. Mabuhay mga ampalaya! Bitter ka din ba? Follow mo na ko sa Twitter @akoposiarchie . Para happy tayong lahat. Smile.

Salita at Letra (On - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon