Walang Puwang

34 2 0
                                    

Sa bawat minuto. Sa bawat oras ng buhay ko. Araw - araw nararamdaman ang presensiya mo. Tuwing bukas ang ating komunikasyon. Sinasamantala ang pagkakataon. Kinukulit, sinusuyo rito, papansin doon. Ngunit ayaw ko mang saktan ang iyong damdamin. May ilang bagay akong lilinawin. Ang bagay na ito ay para sa kapakanan natin. Ipahiram ang tainga at makinig sa akin. Ang pagmamahal mo ay hindi kayang suklian. Salitang "patawad" sana'y mapunan. Patawad kung puso mo'y nasaktan. Ngunit sana'y iyong maintindihan. Ang larong ito'y akin nang tutuldukan. Dahil sa paglubog ng araw, iyong pagkatandaan. Sa aking puso't isipan, ikaw ay walang puwang.

A/N: Ano na naman? Akala mo na naman may pinaghuhugutan ako diyan? Wala nga kasi. Kulit. Lol. Follow mo ko sa Twitter @akoposiarchie . Thanks! Kung kilala mo ako, wag mo ipagkalat yung surname ko. Basta, huwag. Uki?

Salita at Letra (On - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon