Langoy sa Puno

28 2 0
                                    

Hindi na mapipigilan ang lubhang pagtataka. Ilalabas ang saloobin at tantong oras na. Ibubukas ang reyalidad sa harap ng pisara. Sumandal sa kinauupuan at ipagpatuloy ang pagbabasa. Pagpapahayag ng damdamin, ngayo'y  ihahalera. Karamihan ay siguradong alam ang siklong ito. Ngunit pipi ang lahat, lingid sa kung ano ang totoo. Tila mga bulag sa natatanging talento. Nagbibingi - bingihan sa tinura ng isang henyo. Ang lahat raw ng tao ay may angking talino. Ngunit hindi nalilinang dahil sa maling sistema. Sistema kung saan pinapalakad ang mga pilay. Sistema kung saan pinapabasa ang bulag. Sistema kung saan hinahanap ang wala. Sa pagkakataong ito ay nais kong humiling. Sana'y dinggin upang malusaw ang hinaing. Puksain na sana ang maling pagtuturo. Gumising na sa iminahinasyong mapaglaro. Huwag hintayin ang pangarap ng kung sino. Talikuran ang mga isda na lumalangoy sa puno.

A/N: Lalim nento. Kapit tayo. May ma A/N lang. Sorry na. Follow mo na kasi ako sa Twitter @akoposiarchie . Thanks. Ayiie. Ifofollow na niya. Hahays.

Salita at Letra (On - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon