Bitaw na

45 3 0
                                    

Tapos na, Tinatapos ko na ang ating pagkakaibigan. Ibaon mo na sa limot ang ating pinagsamahan. Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko na magagawa mo akong saktan. Anong mali ang nagawa ko sa inyo? Bakit pilit pa kayong lumalapit ngayo'y tinutulak ko kayo palayo? Tinuring kitang higit pa sa matalik na kaibigan. Sinuportahan kita sa iyong mga kagustuhan. Inunawa ko ang iyong mga kahinaan. Pinatawad kita sa iyong mga kasalanan. Ngunit alam mong ang lahat ay may hangganan. Ano ba kasing wala sa akin ang mayroon sa iyo? Ano ang pagkukulang kong pinuno ng katangian mo? Bakit ikaw pa ang pinalit niya sa akin? Sa bawat panahong naiisip ko kayong dalawa, ang hirap pa ring tanggapin. Bakit sabay niyo pa akong paasahin at lokohin. Ikaw na kababata at kinilala ko na bilang isang kapatid. Siya na alam mong mahal na mahal at laman ng puso ko. Ang hirap unawain kung bakit sabay pa kayong nagbigay sa akin ng lungkot at sakit. Sapat na siguro ang pagiwas ko sa inyo. Paglimot na lamang ang tanging magagawa ko. Pagod na ako sa sakit na hatid ninyo. Hindi ko na kaya. Bitaw na.

A/N: Ilang beses ko ba kailangang sabihin? Nakakapagod kaya. Hahaha. Follow mo na kasi ako sa Twitter @akoposiarchie . Thanks! Love you. Harot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salita at Letra (On - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon