Chapter 1 - Prospect Candidates

204 8 0
                                    

2016 - Morning of December 16th...

Balot sa magagarbong dekorasyon ang paligid. Mula sa mga nagkikislapang ilaw sa mga chandellier sa kisame hanggang sa mga nagkalat na poinsettia, garlands at mumunting parol sa bawat sulok ng Saint Louis Cathedral. Sa magkabilang kanto, sa kinaroroonan ng altar ay ang life size na Belen at ang malaking Lenten wreath.

Paskung-pasko na pero ang madamdaming awitin ng 'Joy to the World' ang mas nagbigay sigla sa atmospera ng buong simbahan. Humahaplos sa puso ang melodiya ng musika. Ang pagsasanib ng mga magagandang boses ay katangi-tangi.

Araw iyon ng Linggo. Katatapos pa lamang ng misang pang-ikawalo ng umaga. May mga manang na nagdarasal pa sa ilang upuan, sa navel o main room ng simbahan. Bukas na bukas din ang malaking double doors nito.

Sa wari ko, hindi naman pansin ng mga tao sa paligid ang lamig ng panahon. Sobrang kakapal ng mga suot nilang jacket.

Sumunod ako kay Brian sa paghakbang nito patungo sa choir area para manood sa mga nagpa-practice.

Pito ang miyembro ng Saint Louis Choir. Tatlong lalaki at apat na babae. Mga tinedyer. Kilala ko ang karamihan sa kanila. Pero may dalawang bago sa grupo - parehong babae, tila kaedaran ni Brian sa gulang nitong eighteen.

Nagmistulan kaming mga bystander ni Brian. Habang hindi kami pinansin ng anim sa miyembro, buong pagtatakang tiningnan kami ng isa sa dalawang bagong mukha sa grupo.

Nginitian ko siya. Naglayo agad ng tingin ang babae. Mukhang na-concious kay Brian.

May hitsura rin kasi si Brian katulad ko. Mestisuhin. Matikas ang tindigan. Matangkad.

"Viola, mag-focus ka nga?" Iritado ang boses ni Marcia.

Si Marcia ang leader ng Saint Louis Choir. Tatlong taon na itong aktibo pero dinig ko ay titigil na ito. Magpapa-Maynila na raw para doon mag-aral.

Muling kinagalitan ni Marcia si Viola. "Pagpipilian namin kayo ni Soccoro para sa solo performance natin. Mag-concentrate ka naman, Viola."

"Viola," nakangising bulong sa akin ni Brian na nakatitig sa dalaga. "Isang string instrument. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya."

Napatango lang ako kay Brian. Muli kong inalala ang timbre ng boses ni Viola. Matamis. Masarap sa mga taynga. Tunog ng mamahaling violin na nakaka-relax. May kalungkutan sa pagkanta ni Viola. Tila may itinatago.

Isa siya sa gusto kong kunin para sa grupo namin. Pero napupusuan ko rin ang kasabayan ni Viola na si Soccoro.

Sino sa kanila ang karapat-dapat?

___________

Authors Note:

Hello there, advance Merry Christmas and a Happy New Year!

Short story po ito. Pero hinati ko sa 10 parts para mas magaang basahin. Another entry ko po ang story na 'to sa GAYN   and thankfully this time, nanalo ako.... sa wakas!

In dedication to GAYN Community. Thanks po. Thanks din po sa judges at kay Ate Kat. Higit sa lahat, thanks po kay Lord <3

Makikita n'yo rin po ang Christmas story na to sa 'Christmas Special' - book sa GAYN. Just click the external link below :)

- Maylen

The Christmas Carolers #winner (Christmas Special Entry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon