2016 - 20th of December...
Isa ring mang-aawit si Patricia. Mabait. Masayahin. May angking katapangan. Minahal ko siya kaagad. Mga taong-simbahan ang mga magulang niya. Aktibo sa mga gawaing pagpapabanal. Si Patricia naman ay mahilig umawit kaya naging miyembro ito ng Junior Saint Louis Choir o JSL Choir.
Hindi pa ako bahagi ng choir nang una ko siyang nakita. Bisperas ng Pasko noon. Nag-aantok ako sa Misa de Gallo. Ginising ako ng napakagandang tinig na tila nanggaling sa langit. Inakala ko pa na isang tunay na anghel si Patricia sa mahabang buhok at puting roba nito. Nang matuklasan ko na isa siyang dugo at laman, nagkaroon ako ng pag-asa na makamit ang isang anghel.
Nakatakda ako noong mag-aral sa New York pero nakisali ako sa choir nila para mapalapit ako sa aking anghel. Isang taon ang lumipas ay minahal ako ni Patricia at natupad ang aking pangarap.
"Payapa ka sana ngayon, Patricia," naibulong ko sa hangin.
Napabuntong-hininga ako sa alaala niya at muli kong itinuon ang aking atensyon kay Viola. Pinanonood ko siya mula sa isang mahabang upuan, sa loob ng simbahan. Tumayo na ako.
Mahal na mahal ko pa rin si Patricia.
________________
*Image credit source: https://cdn.pixabay.com/photo/2016/02/07/06/42/white-1184178_960_720.png
BINABASA MO ANG
The Christmas Carolers #winner (Christmas Special Entry)
Paranormal"I'm dreaming of a White Christmas." ~ From the song 'White Christmas' (1941) ---------- Kailangan ni Andy ng bagong miyembro para sa choir group nila at si Viola ang natipuhan niya. Bukod kasi sa nahahawig ito sa girlfriend niya, may kakaiba sa ma...