Chapter 4 - Rejected

46 5 0
                                    

2016 - 18th of December...

Napaawa ako kay Viola. Kung totoo ang mga narinig ko kay Soccoro ay mabigat ang dinadala niya. Ang ginawa ni Viola ay pagpatay ng inosente at habambuhay siyang uusigin ng kanyang konsensya.

Mas pinaboran ko na si Viola.

Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Viola, isang linggo bago ang araw ng Pasko.

Walang practice. Pero may meeting sila sa opisina ni Reverend Antonio. Taun-taon ay may palabas ang simbahan para sa selebrasyon ng Kapaskuhan. Habang ang Saint Louis Choir ang sentro nito kami ang pumapangalawa.

Maagang dumating si Viola. Nag-iisa pa. Balot na balot siya sa jacket at maong na pantalon. Naka-goma pang sapatos.

Napatitig sa akin si Viola sa pagbungad ko sa opisina. Hindi makapaniwalang kaharap niya ako. Muntikan na niyang mabitawan ang hawak na laruan.

"A-ano po ang kailangan n'yo?"

"Kilala mo ba ako?" balik-tanong ko sa kanya.

Halatang may dinadalang suliranin si Viola. Hapis ang hugis pusong mukha at nangingitim ang palibot ng mga mata. Kulang sa tulog.

Pero maganda pa rin si Viola. Ang nangungusap nitong mga mata, matangos na ilong at maninipis na mga labi ay nagpapaalala sa akin kay Patricia, ang aking nobya. Isa pang rason kung bakit mas pinili ko na si Viola at hindi si Soccoro.

"I-isa ka ... Isa ka po sa JSL Choir at ang nagpasimula sa Hope Christmas Carolers."

Nautal pa rin si Viola. Hindi ko siya masisi. Alam ko na malakas ang aking karisma. Sabi ko nga na hindi naman nagmamalaki, mestisuhin ako at matangkad. Amerikano naman kasi ang nasira kong ama. Napakapresentable ko rin sa sout kong puting long sleeves, slacks na itim at makintab na sapatos.

Sinuklay ko ng aking mga daliri ang itim na itim kong crew cut at nginitian siya. "Ako rin ang karaniwang naghahanap ng mga bagong miyembro. Maganda ang boses mo, Viola."

"Hindi po ako interesado," kaagad na sabi ni Viola. "Kakasali ko pa lang po sa choir dito. May palabas po kami ng December 24 -"

"Sa sumunod na araw pa ang gagawin nating pagkanta. December 25. Ibang oras -"

"Andyan ka ba, Viola?" Si Reverend Antonio.

"Pag-isipan mo," nasabi ko na lang kay Viola.

Kailangan ko ng umalis. Hindi dapat malaman ni Father na naroon ako. Mabuti na lang dalawa ang pintuan sa opisina ni Reverend Antonio. Habang papasok ito ng silid, kumilos na ako para sa kabilang pinto. Binuksan ko ang isang bintana ng opisina sa pag-eskapo ko.

"Bakit mo binuksan ang bintana? Sobrang lamig na, Hija."

Narinig ko pa ang tanong na iyon ni Father kay Viola. Nagmadali na akong lumayo.

The Christmas Carolers #winner (Christmas Special Entry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon