2016 - Morning December 25th...
"Pinatay mo ako, Andy," buntong-hininga ni Soccoro.
"Iniligtas kita," pagtatama ko sa kanya. "Iniligtas kita sa pangungunsesnsya ng iyong budhi at patatawarin ka ni Viola dahil sa gagawin mong sakripisyo para sa buong sangkatauhan."
"Pinatawad na kita Soccoro," pakikisali ni Viola. "Hindi mo na kailangang gawin ang gusto niya."
Nakadama ako ng pait sa pananalita ni Viola.
Nasa choir area kami, sa may altar kasama ang iba pang mga miyembro ng Hope Christmas Carolers. Naghahanda para sa pag-awit namin.
Nakaputing turtle neck na bestida na rin sina Viola at Soccoro katulad ni Eliza. Kaming mga kalalakihan ay mga nakaputing long sleeves at itim na slacks.
Parang bumaba ang mga ulap sa loob ng simbahan sa pagsasamasama naming mga kaluluwa sa iisang lugar. Naging napakalamig. Pero wala ng tao sa main room ng San Louis Cathedral. Mga nasa tahanan na nila matapos ang Misa de Gallo.
Si Father at ang ilan pang residente ng simbahan ay 'pababayaan' na kami sa aming performance. Wala naman silang magagawa pa.
Sa amin na ang mga sandaling iyon...
"At bakit narito ka pa, Viola?" hamon ko sa kanya. "Kung tutol ka sa akin, bakit hindi ka pa tumawid sa kabila? Napagbayaran mo na ang kasalanan mo dahil may kumuha sa buhay mo."
"Nasa puso ko pa rin ang batang pinaslang ko," malungkot na tugon ni Viola.
"At guilty pa rin ako sa nangyari." Si Soccoro kay Viola. "I am doubtful that I'll ever find peace again."
Sinikap ni Viola ang ngumiti at niyakap si Soccoro. "Alam ko na hindi mo sinadya. At sa sarili ko... ginusto kong may pumatay sa akin dahil sa krimen ko.'
"Dumito na muna kayo." Si Brian na hindi na nakapagpigil magsalita.
"Payag na akong masapawan n'yo ang ganda ko." Nagbiro pa si Eliza.
Malugod na iniabot nito ang palad nito. "Eliza, 1975. Pinatay ko ang aking manliligaw nang hindi sinasadya."
"I'm Brian. Last year akong ni-recruit ni Andy. Nag-overdose ako dahil sa pambe-break sa akin ng girlfriend ko." Tinanguan nito sina Ruben at Jonas. "Si Ruben, 1942 at si Jonas, 1985."
"Marami akong mga kababayang itinuro sa mga Hapones," paliwanag ng napapakamot na si Ruben. "Si Jonas naman -"
"Binaril ko ang mga nambu-bully sa akin, sa unibersidad," pagtutuloy ni Jonas na pasupladong ini-adjust ang mga salamin nito sa mga mata.
"At ikaw?" Si Viola kay Marco.
Napatitig din sa batang tinedyer si Soccoro.
"1992," tugon ni Marco. "Uminom po ako ng lason sa daga. Nagtampo po ako kina Mommy at Daddy."
"Darating ang araw, maghihilom ang mga sugat n'yo at buong pusong tatanggapin kayo ng Langit katulad ni Lourdes na nagpasya nang umalis sa amin," saad ko nang muling ibalik nina Soccoro at Viola ang atensyon sa akin.
"At ikaw?" malungkot na untag sa akin ni Viola. "Pupunta ka ba sa Langit balang araw?"
"Dito lang ako," tahimik kong sagot. "Hindi ako patatawarin ng Langit. May mga kinuha akong buhay bago ko silang nakumbinsi sa aking adhikain. Pero magiging maligaya ako dahil alam kong masaya si Patricia sa ginagawa ko para sa kanya."
Umiwas na ako sa usapan. "Kagabi pa natapos ang Saint Louis choir, tayo naman ang mangangaroling. Ihatid natin ang kapayapaan sa ating sarili at sa buong mundo."
Sa pagsapit ng ikatlo nang madaling-araw, Disyembre 25, nagsimula na kaming umawit. Inumpisahan ko sa 'White Christmas' na unang naging popular noong 1941.
Umalingawngaw ang mga tinig namin sa loob ng Saint Louis Cathedral. At mayamaya pa'y dinala na ng malamig na ihip ng hangin ang mga himig namin sa labas ng simbahan.
Mahigit na apat na daang taon na ang Saint Louis Cathedral. Ilang beses na itong na-renovate. Habang nakisabay sa modernisasyon ang interior nito, ang labas ay ini-re-structure lamang. Walang binago.
Mananatili pa nang maraming taon ang Saint Louis Cathedral. Marami pa itong masasaksihan. At patuloy pa ring maririnig ang mga tinig namin bilang mga Hope Christmas Carolers tuwing Pasko.
-The End-
sweet_phoenix35 10 12 16
___________
Author's Note:
Sana nagustuhan n'yo po ang kwento. May mga binago po ako at dinagdag dito. Dedicated din po pala ang story na 'to kay GeoX, number 1 fan ko po <3
Enjoy 'White Christmas' ni Michael Buble para mas modern naman. Again, Merry Christmas and a Happy New Year sa ating lahat :)
- Maylen
BINABASA MO ANG
The Christmas Carolers #winner (Christmas Special Entry)
Paranormal"I'm dreaming of a White Christmas." ~ From the song 'White Christmas' (1941) ---------- Kailangan ni Andy ng bagong miyembro para sa choir group nila at si Viola ang natipuhan niya. Bukod kasi sa nahahawig ito sa girlfriend niya, may kakaiba sa ma...