Chapter 2: Not Daddy's anymore

1.1K 2 0
                                    

Ano ba, Nala, you're a paranoid na, stop worrying and enjoy his company.

woaaahhh... enjoy?

Do I like this guy already? Ambilis naman non. Hindi kasi ako mabilis ma- fall and besides I was not interested.

Yun nga eh. Was.

...

"Malabo, Kuya Rex! Ilang taon ka na po ba?" Hindi ko mapigilang asarin din siya ng konti and let's face it, mukha naman talaga siyang 19 na!

Naglalakad na kami ngayon papunta sa may malaking puno at may nakasabit na isang malaking swing sa isa sa mga branches nito. WOW. Parang fantasy world lang. Napatakbo ako doon at nagswing na. Hindi ko na nga namalayang nagkukwento pala si Kuya Rex haha.

"Easy, para kang bata eh!" Napatakbo din tuloy siya papunta sakin.

"Bleh! Kuya naman kasi kita kaya bata tingin mo sakin! Ano, diba 19 ka na?" Sabi ko habang nagsiswing na.

Ansaya saya! Pangarap ko na tong ganitong swing kaya noong bata pa ako, lagi akong nagtatanim ng kahit ano. Papaya, Santol, Manga, kahit anong prutas na may buto!

Um, may prutas bang walang buto?! tsss....

At siyempre pati ang pinaka sikat na monggo. Yes. Umaasa akong magiging isang malaking puno yon, enough to build a tree house and a little swing hanging from one of its branches.

Oh, diba?

Sosyal! Pati monggo pinatulan ko!XD

"Anong 19?! 17 pa ako! naman bata, siguro ikaw, 15 lang?" tumawa pa to! Hmp! 17 din ako no! Aba, gulat ko naman kay Kuya Rex, akala ko nga 19 na! Ang mature niyang tingnan o siguro kasi matangkad lang siya...

"Ang saya mo dyan ah! Parang ngayon ka lang nakakita ng swing. Mahilig ka ba sa swings?" Tanong niya pa sa akin.

"No!" napatawa ako, "Not the swings actually, yung idea lang na may ibang tao na gumawa nito, pinagpaguran with..." Muntik ko ng masabi,shemai! Napapakwento ako sa lalaking to!

"Huh? With?" Nagtanong pa siya! grr! wag ka ng magtanong please. Napayuko nalang ako at nag swing...naalala ko nanaman si tatay. Kahit 5 yrs old lang ako noon naalala ko pa rin...hayy.

Kinukulit niya parin ako. Patay.

Ayoko nang maalala...nagmo-moist na ata ang mga mata ko.

I was a big Daddy's girl kasi.

...

But Daddy's gone.

Im just big girl now.

A big girl.

I have to be.

Mundo ko'y tumitigil, sa iyong ngitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon