Chapter 4: Honeymoon?

9K 200 3
                                    



Walang naganap na reception dahil nga nagsi-uwian ang mga bisita kanina.

Nakatayo sa labas ng simbahan si Eunice at hinihintay si Jun na nakikipag-usap sa parents nito.

Ang bilis ng pangyayari. Kasal na sila ni Jun. She's happy, of course. Who wouldn't? Ikinasal siya sa lalaking mahal niya. Pero hindi niya maiwasan na makaramdam ng takot.

Takot sa mga posibleng mangyari. Galit si Jun sa kanya at alam na alam niya iyon. Sana lang ay mahanap nito sa puso nito ang mapatawad siya.

Nawala siya sa daloy ng iniisip niya ng may sumampal sa pisngi niya. Napamulagat siya dahil sa gulat. Napahawak siya sa pisngi niyang namamanhid dahil sa sampal. Nang tingnan niya kung sino ang sumampal sa kanya ay ang mga nanlilisik na mga mata ng Mama ni Jun ang nakita niya.

"Kung iniisip mong matatanggap ka sa pamilya namin, nagkakamali ka!" she hissed at her face bago ito umalis at kasunod nito ang Dad ni Jun.

Nakahawak pa rin siya sa pisngi niya ng hilahin siya ni Jun sa braso. Tinulak siya nito papasok sa loob ng kotse nito at saka ito umikot papasok sa driver's seat.

"Saan tayo pupunta?" kapagkuwan ay tanong niya rito habang nasa daan sila.

Jun smirked. "Ano ba ang ginagawa ng bagong kasal after the wedding?"

Nag-isip siya. Of course, after the wedding comes the reception then honeym... Holyshit!

Her jaw dropped and her eyes widen.

Jun glared at her before he concentrated on his driving. "What? Don't act like a fucking virgin, Eunice, when we both knew you're not!" humigpit ang pagkakahawak nito sa steering wheel at pinabilis nito ang takbo ng sasakyan.

Nasaktan siya sa sinabi nito. Pero pinagsawalambahala niya iyon. Ayaw niyang magkasagutan sila. Kasal na silang dalawa at ayaw niyang makipag-away dito.

Pagkalipas ng ilang sandali tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng Libra Tower kung saan naroroon ang condo unit niya.

Teka! Paano niya nalaman na dito ako nakatira? Tanong niya sa sarili.

"Pack your things. We'll be leaving to Paris today. I'll pick you up after an hour." He said without looking at her.

Bumaba siya sa kotse nito at sinabihan mag-ingat. Hindi siya nito tiningnan man lang kaya sinara na niya ang pinto ng kotse nito at agad nito iyong pinaharurot palayo sa kanya.

But again, she shrugged it off.

Gaya ng utos ni Jun, she packed her things but only her essentials. Yong mga gamit lang niya na sa tingin niya ay kakailanganin niya. Baka hindi sila magtagal ni Jun sa Paris.

After packing, she took a quick shower and changed clothes. She wore a frilly loose sleeveless cotton dress that reach her mid-thigh and black leggings that hugged her long legs. She paired it with flat cream colored shoes para kapag hinila siya ni Jun ay hindi na siya mahihirapan.

Medyo nananakit kasi ang paa niya dahil sa panghihila nito. Mabuti na rin yong prepared.

At exactly after one hour nasa baba na siya ng lobby ng Libra Tower. Hindi nagtagal ay dumating si Jun. His eyes were roaming around the place and it settled on her.

She smiled at him at lumapit siya rito. Umawang ang labi nito at nakatitig sa kanya. She knew that kind of look. He's mesmerized by her. Pero agad din itong nakabawi dahil sumimangot ito at tinalikuran siya.

Ni hindi man lang siya nito pinuri gaya ng palagi nitong ginagawa dati.

Dati kasi, palagi siya nitong sinasabihan na ang ganda niya. Na siya na ang pinakamagandang babae na nakita nito sa buong buhay nito.

My Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon