Chapter 3: "I do"

9.2K 237 5
                                    

Eunice's POV

Nandito ako ngayon sa mansion ng mga Santillan at kaharap ko ang babaeng pakakasalan ng lalaking pinakamamahal ko. I don't know what came to me... ang alam ko lang nang magising ako kaninang umaga ay kailangan kong makausap si Hannah.

Kita ko sa mukha nito ang inis. I can't blame her. The two of us became close friends four years ago. Laking pasalamat nito sa akin dahil na-cancel and engagement nila ni Jun noon dahil daw dumating ako at nagkagusto si Jun sa akin.

Jun and Hannah were the best of friends. They were very close noon at kahit na alam kong kahit magkaibigan lang ang turingan nila ay hindi ko maiwasang pagselosan si Hannah. But I kept it to myself.

"What are you doing here?" she asked me. Mataray ang tono ng boses nito. Nakaupo ito sa harapan ko kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. I knelt down in front of her. Nanlaki pa ang mata nito sa ginawa ko.

Nakakababa ng pride pero the hell with it. Mas mahal ko si Jun kaysa sa pride ko. Gagawin ko ang lahat para sa pag-ibig ko sa kanya kahit bumaba pa ang tingin ko sa sarili ko.

"Cancel the wedding." I said as I look straight into Hannah's eyes.

"What?"

My tears fell. "I'm begging you, Hannah. Cancel your wedding with Jun." I begged her as I touched her knees.

Tumayo ito at tinalikuran ako. "Tumayo ka diyan." She said coldly.

"Hannah... parang awa mo na. Mahal na mahal ko si Jun."

She faced me and slapped me in the face. Sa lakas ng sampal niya ay napasubsob ako sa couch.

"Kung mahal mo siya bakit mo siya iniwan?" she shouted at me. "Kung mahal mo siya bakit mo siya sinaktan?"

"I got scared. I got scared... natakot ako na baka mawala na lang isang araw yong pagmamahal niya sa akin o yong pagmamahal ko sa kanya. Natakot ako pero sobrang pinagsisisihan ko na yon, Hannah." I went to her and grabbed her legs. Kulang na lang ay yakapin ko ang mga binti nito.

She pushed me away. "Putang inang takot yan! Alam mo ba kung gaano nasaktan si Jun dahil sa takot mong yan! Halos mabaliw siya sa kahahanap sa'yo! Halos mapariwara na ang buhay niya!"

"Hannah! Please!" I cried so hard in front of her pero parang wala na talaga itong awa na nararamdaman sa akin kahit na katiting.

"Get out! Kahit na mapudpod pa yang mga tuhod mo sa kaluluhod hinding-hindi ko gagawin ang hinihiling mo." She said at tinalikuran na nito ako.

I was crying my heart out habang nakaluhod pa rin ako doon pero hindi nagtagal ay naramdaman kong may humila sa akin ng marahas.

"WHAT DO YOU THINK YOU ARE DOING???" Jun shouted at me.

Kulang ang sabihin na nagulat ako dahil takot na takot ako. He looks like he could kill me.

"Jun..."

"Bakit mo ba ito ginagawa, Eunice? Dahil mahal mo ko? Well, let me tell you this Eunice. I hate you! Kung hindi lang kasalanan sa diyos ang pumatay baka napatay na kita!" gigil na gigil na sabi nito.

I winced in pain. The way he was handling me is so painful but his words were more painful. His words are like thousands of needles that is prickling my heart right now.

"I'm sorry, Jun. I was desperate. Ayokong magpakasal ka sa iba. Mahal na mahal kita, Jun."

Mas lalong nagdilim ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Hinila niya ako ng marahas at napapa-aray ako sa sakit dahil doon. Hinila niya ako palabas ng mansion ng mga Santillan. He let me go harshly when we were outside the gate at napasadlak ako sa lupa.

My Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon