Chapter 1: Take me back

12.9K 259 2
                                    

Jun's POV

"Dude ang tagal mo naman!" salubong sa akin ni Alex pagkapasok ko pa lang sa Bar na pag-aari ko.

I shrugged. "I had to finish some stuffs." I said as I sat on one of the stools. Binigay agad sa akin ng isang staff ko ang palagi kong iniinom.

"So anong pakiramdam ng ikakasal ulit?" Alex asked suddenly.

I drank from my glass. "Wala lang."

Alex laughed. "Parang kailan lang nung tinanong ko din yan sa'yo yan tapos sagot mo hindi ka na makapaghintay."

I growled lowly. "Don't bring up stuffs like that. It's not funny." I looked away annoyed.

"Do you still love her?" Red asked out of nowhere.

"Who?" walang gana kong tanong. I know kung sino ang tinutukoy ni Red but I don't wanna talk about her.

"You know who... so just answer the goddamned question." I can hear his annoyance.

Binaba ko ang baso ko. "I loathe her." Sagot ko habang nakatingin sa mga mata ni Red.

"Do you love Hannah?" Red asked again.

I breathed hard. "I do."

Red looked down. He sighed. "Take care of her." Yun lang at uminom ito katabi ni Sai na tahimik hanggang ngayon.

Since Sairah died, hindi na masyadong nagsasalita si Sai. If he's cold nung hindi niya nakikilala si Sairah ngayon mas malamig pa siya kesa sa yelo.

Dati akala ko ang babaw niya dahil halos mabaliw ito sa pagpapakamatay ni Sairah pero nung iwan ako ni Eunice sa araw ng kasal namin naisip ko... wala sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman ni Sai ang naramdaman ko.

Umuwi agad ako sa condo unit ko pagkatapos ng inuman session naming magkakaibigan. After taking a shower dumiretso ako sa kusina at nakita ko ang note na nakadikit sa ref.

Kinuha ko yon at binasa.

Jun,

I cooked food for you. Initin mo na lang. Wag kang magpapagutom.

-Hannah :)

I smiled. Napakathoughtful talaga nito. Kung sana lang ay mahalin ko ito ng higit pa sa kaibigan.

Hannah and I grew up together. Our parents were close friends kaya napagkasunduan ng mga ito na ipakasal na lang kami. Hindi ako tumutol in one condition... kapag na-in love ang isa sa amin ni Hannah sa iba ay void na ang engagement.

It happened. I fell in love... with Eunice Saavedra. I fell in love with her kahit na marami akong naririnig na mga hindi magagandang balita tungkol dito. Hindi ko pinansin ang mga yon because the Eunice I know is sweet, caring and very cute.

I told my parents about it but when they found out about the identity of the girl I like, tumutol agad sila. They don't like Eunice for me pero pinagpatuloy ko pa rin ang relasyon namin ni Eunice. I broke up with Hannah at tanggap naman nito ang nangyari maging ang mga magulang nito.

Marami ang pinagdaanan naming dalawa pero iniwan lang niya ako pagkatapos ng lahat. Iniwan niya ako pagkatapos kong suwayin ang mga magulang ko at ipinagpalit niya ako sa iba.

Wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya after that. Talagang nawala na lang ito na parang bula.

And now after 4 years Hannah and I are getting married sa kagustuhan naman ng mga magulang namin. Her parents really wanted me to be their son-in-law and the same applies to my parents. Since wala naman daw boyfriend si Hannah ay ako na lang. Hannah agreed so I agreed too.

This time matutuloy na ang kasal ko.

I was out of my reverie when I heard the doorbell. I looked at the wall clock and saw that it was eleven in the evening already. Sino ang bibisita sa akin ng ganitong oras?

Hindi na ako nag-abalang silipin sa peephole kung sino ang nagdoorbell at diretso ko na lang iyon binuksan.

Nanigas ang buong katawang ko nang makita ko kung sino.

It's Eunice!

She was standing in front of me and I can see nervousness and hesitation written all over her face.

Four years had pass since the last time I saw her. And she changed. Her short hair is now long hanggang bewang nito. Nakasuot ito ng dress na lagpas tuhod hindi gaya ng mga usual nitong damit dati na puro mini skirt and short shorts.

I snapped at myself mentally. Hindi dapat niya makita na may epekto pa rin ito sa akin.

I stared at her. I smirked when I saw how nervous and uncomfortable she is.

"What do you want?" I asked monotonously.

Tumingin ito sa mga mata ko na para bang nagmamakaawa.

She gulped and her grip on her bag tightened. I can read her like an open book. Iba-ibang emosyon ang dumadaan sa mga mata nito. Kaba, takot, pagkalito, pagsisi.

Then her eyes become determined. Tumingin ito ng diretso sa akin.

"Jun, take me back."

End of Chapter 1

Vote and Comment :D

My Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon