#Entry 2

28 2 0
                                    

Akda ng nagmamahal
(c)axis

Mahal kita. Alam ko mahirap na
Masasaktan na naman ako at mabubutas ang bulsa
Pasensya ka na hindi naman 'to tungkol sa pera
"kita" oo. Mahal kita.
Hindi naman tayo nagbebenta, kaya wag mong iisipin na mura
Sayo na ung "mahal"
Para tayo'y magtagal
Sa Akin na lang ung "kita"
Sapat ng matanaw ka sa bintana

Mahal kita. Kasama ng mga pantal ko sa mukha
Lahat ng natatanaw at nakikita
Iaalay, ibibigay, ibabato para makatama
Makatama ng pusong matagal ko ng mahal
Makatama sa tanong ng isip mong matagal.
Oo, mahal kita.
Ikaw na ung "mahal"
Ang tanging dalangin sa maykapal
At Sa akin naman ung "kita"
Dahil alam kong hanggang pangarap nalang kita

Mahal kita. Kaya sayo na.
sayo na ung tibok at sa akin ang usok
Para maglaho lahat ng nagudyok
Na mahalin ka hanggang rurok
Sa akin na din ang dugo na bumubulwak mula sa puso
Mauubusan din to at susuko
Sa pagpintig sayo at pagpintuho

Mahal kita, malaman mo sana sinta
Dahil alam kong hanggang dito na lang kita
Kita o tanaw, pangarap na lang ikaw
Pusong nauuhaw, maghihintay hanggang pumanaw

#hugot #lovepoem

Reading between the lines.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon