Entry #5

30 2 0
                                    

Kuwit
Ni: Dan_axis

Isang tulang puro kuwit
Mga salitang animo’y may buntot na kakabit
Mga salitang di dapat magkadikit
Pinaghihiwalay, hindi pinaglalapit.

Maituturing mo bang mapait
Kung ang landas nati’y di pinaglapit
Na kagagawan ng isang kuwit
Kuwit na sa gitna nati’y nakaipit.

Kung pwede lang sana mapunit
Kuwit na di na dapat pang ipilit
Kuwit na laging nakakasakit
Sa dalawang pusong pilit na nagdidikit.

Ikaw, ako, malayo man at mainit
Kahit mundo’y patuloy na pumihit
Matuto lang tayo kumapit
Kumapit sa isang kuwit.

Reading between the lines.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon