#Entry 3

24 2 0
                                    

Kape

Halika mag kape tayo
Pagkatapos ng isang araw na trabaho
Pagkatapos ng lahat ng masasakit na sinabi mo
Halika mag kape tayo para maupos na ang pait na nalalasahan ko

Naamoy mo ba ang kapeng bagong timpla?
Sing lakas ng droga, sing tapang ng tarantula
Pumapasok sa sistema kahit alam mong ayaw mo na
Kapeng bagong timpla nakakasulasok, nakakatrauma.

Kulang pa ba ang lahat ng asukal na inilagay
Ng pusong puno ng pagibig at pagasa
May nakalimutan pa ba akong isama
Meron pa ba? O sadyang wala na.

Alam ko lahat ito ay nararamdaman mo din
Masakit man tanggapin pero ang nalagay mo yata ay asin
Imbis na tumamis ang tubig na nasa tasa
Umalat, pumait,di ko na malaman ang naging lasa

Isa pang masakit na malaman
Iyong ika'y pinaikot ikot lang at nilasahan
Hindi mo man matanggap ang nangyari sa atin
Isa lang gusto kong ipaalala, ang nailagay mo sa kape ay asin

Kaya anu man ang gawin mong halo
Matunaw man ang kutsara sa mainit na tubig
Hindi magbabago ang takbo at guhit
Ng mapalat nating pagibig

Matapos man lahat ng nasabi at nangyari
Matapos malasahan lahat ng pagkakamali
Maiiwang nakabakas ang lasa sa aking labi
Ng kapeng pinilit lang timplahin
Iinom ka pa ba? O akin nang uubusin?

#poetry
#spokenword

Reading between the lines.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon