Halaga
Tsinelas mo lang naman ako. Suot at makakasama papunta sa kanya. Hindi mo lang alam kaya kong tiisin ang init ng kalsada makita ka lang masaya.
Alam ko naman na hindi ka sa akin naging masaya bagkus ay sa laman kong pait lang naman ang dala. Isa lang naman akong tasa na hinahanap mo sa tuwing magkakape ka.
Naramdaman ko naman noon na naging masigla ka. kapag nakikita na ako ang ngiti mo'y hanggang tenga. Yun pala ay wrapper lang ako sa regalo mo ngayong pasko na handa mong punitin makuha mo lang sya sa dulo.
Akala ko noon may halaga ako sayo. Na sapat ako para buo-in ang TAYO. Yun pala KAYO yung mabubuo at ang depinisyon ng AKO ay mananatiling KAIBIGAN sayo.
BINABASA MO ANG
Reading between the lines.
PoetryMga pinaghuhugutang bagay bagay sa mapanghusgang mundo na puno ng hinagpis, saya at takot. tagalog poetry