Bula
Ni: Dan_axisIkaw nga ba’y umiibig?
Sumulat ng tulang pumipintig pintig
Di alintana ang sakit at luhang ididilig
Masungkit lang ang puso’t madinig lang ang tinigBalibaliktad na mga dila
Kailangan ng ituwid at ihaba
Para mabigkas mo ng tama
mga hinabing salitaKaya mo pa kayang gumuhit ng mga letra
Kung alam mong laptos na ang kamay at ubos na ang tinta
Pipilitin mo pa bang tapusin ang tula
Kung tinta na ng pluma mo’y dugo sayong mukhaOo. Mahal mo sya, kaya gagawin mo lahat
Lahat ng makakaya mo di baleng mabigat
Magiisip, magpupuyat hanggang sumambulat
Ang utak na sya’ng laman, tumilapon, nakakalat.Matatapos mo pa kaya’
Sinusulat mong tadhana
Kung utak at puso mo’y malakas na ang tama
Sa binibining hindi mo pa nakikitaUmiibig ka nga, kaya nakagawa ng katha
Ngunit para kanino? Sya ba’y isang santo?
Maaring ding anino o kaya nama’y multoWalang may alam. Walang nakakaalam
Tanungin man ang puso’y wala ding pakialamUmibig ka nga kaya nakagawa ng tula
Umiibig sa babaeng. . . Anu ba yun? bula.#Dan_axis
#bula
BINABASA MO ANG
Reading between the lines.
PoetryMga pinaghuhugutang bagay bagay sa mapanghusgang mundo na puno ng hinagpis, saya at takot. tagalog poetry