Nasaan ako?!
Madali kong iniikot ang paningin ko sa paligid. Nasa isa akong malaking kwarto na may simpleng design ng puti at itim. Base sa itsura ng kwartong ito ay nasa malaki at maganda akong bahay.
Teka. Bakit at paano ako napunta dito? Ano bang nangyari?
Phone. Bagahe..
Mariin akong napapikit ng maalala ko na ang nangyari sa akin. Nakakainis! Sana pala ay hindi ko na lang inalala. Tss!
Hay..
Marahan akong bumangon sa kama na aking kinahihigaan. Syempre inayos ko muna ang kama bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Medyo nahirapan pa nga ako dahil medyo malaki ang kama.
Marahan akong lumabas ng pintuan. Nagpalinga linga pa ako para tignan kung may tao ba o wala. Pero wala naman akong makita ni isa.
Ang ganda..
Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng bahay na ito. Malaki sya kumpara sa apartment ni Poleng kahit pa walang second floor ito. Dalawa lang naman kasi kaming nakatira doon. Kapansin pansin din ang sobrang gaganda ng mga kagamitan. Halatang mayaman ang may-ari. Mapa-appliances, utensils, at pati display.
Para tuloy akong bata na enjoy na enjoy sa pagtingin. Hindi nyo ako masisisi. Wala naman kasing ganito sa bahay ni Poleng o kahit pa sa bahay namin ni Mama dati.
Nagpatuloy pa ako sa pag-ikot sa kabahayan. Natigilan ako ng may makita akong isang malaking portrait na nakasabit sa may sala.
Napatulala ako sa itsura ng lalaki na sa portrait.
Ang gwapo..
Siya ba ang nakakita sa akin? Infairness, ang swerte ko pa din pala?
Siguro ay model to? Mukha namang magaling magpose at photogenic talaga.
Luminga linga muna ako para tignan kung may tao. Nang masigurado ko na wala talaga ay hinalikan ko ang portrait.
"Thank you, kuyang pogi!"
Landi ko! Eh sa gwapo talaga eh!
Kahit pa gusto kong titigan lang si Kuyang pogi ay minabuti kong magpatuloy na sa paglilibot.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nadapa ako at may naitulak akong isang bagay na..
NABASAG!
"OH NO!"
Mabilis akong umupo upang tignan ang nabasag ko. Halos manlumo ako ng makita ko ang pira-pirasong vase na nasa harapan ko.
Nakabasag ako! Nabasag ko ang malaking vase na mukhang mamahalin!
"What happened here?"
Madali akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Kuyang Pogi--ung totoong si Kuyang Pogi na nakatayo sa pinto di kalayuan sa akin at nakatingin sa nabasag niyang vase.
Lord! Kunin mo na ako! Now na!
–––––––––––———
GULPS.
Kung pwede ko lang malunok ang dila ko sa kakalunok ng laway ay nagawa ko na.
![](https://img.wattpad.com/cover/86585919-288-k182622.jpg)