Chapter 1
Eve's POV
Tingin nila magpapakasal ako sa mongoloid na lalaking ‘yon? Hell no! Basagulero na nga, babaero pa. Kamusta naman ang future ko sa kanya? Saka mukha pang sadista slash manyakis.
Ugh! Kaya ayokong makipag-usap kay papa ng ganito, eh! Ganda ng mood ko kanina tapos ngayon, wala na!
Bahala na nga kung ma-uwi 'to sa away, basta ipaglalaban ko ang karapatan ko para sa sarili ko. Sometimes parents were not always right especially when it comes to arrange marriage.
I wanted to break free from this tradition, a loveless marriage.
"Hindi niyo naman ako ampon para ipakasal ng ganito kaaga sa lalaking ‘yon, ano? Kung gusto niyo, eh di kayo na lang ang magpakasal." Pabalang na sabi ko.
Sa totoo lang nakakainis iyong ganitong usapan. Nakakasira ng mood, as in!
"Eve! Itikom mo ‘yang bibig mo. Sumusobra ka ng bata ka! Hindi muna nirespeto ang desisyon ko. Alam mo bang maba-bunkrupt ang kompanya natin dahil sa'yo. Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo si Tuck. Prepare yourself tomorrow, bukas na ang engagement niyo." Dagdag pa ni papa inikutan ko lang ng mata.
Here we go again, an arrange marriage for business purpose.
Seriously, masyadong mababaw ang dahilan niya. Hindi ba puwedeng hayaan niya lang ako?
Ano 'to igagaya niya ako sa mga pinsan kong nauwi sa arrange marriage tapos ano, magsu-suffer din kagaya nila? That's absolutely not what I want! Gustong kong maging malaya.
May itsura naman si Tuck kaso ayoko lang talaga. Baka saktan lang ako no'n kapag naging mag-asawa na kami. Sa huli, ako rin magiging kawawa.
"Kaexcite naman pa," sarkastikong sabi ko. "Akala ko ba pa, gusto niyong maging maganda ang future ko? Eh, ano tawag mo dito? Maganda ba ang maipakasal ang anak sa basagulero at babaerong lalaki?" panghahamon ko sakanya.
Tahimik lang si mama sa tabi, nakikinig lang at mukhang walang balak na sumali. Alam niya kasi na kapag ayoko, ayoko talaga.
"Sumusobra ka na talaga Eve! Magpapakasal ka kay Tuck and that's final!" namumula na si papa sa sobrang inis. I stucked out my tongue and rolled my eyes.
Ang sarap niyang asarin. Sumulyap ako sa gawi ni mama at kinindatan dahilan para matawa siya.
"Eh di wow. Makapagbar na nga lang, sumasakit bangs ko sa inyo eh."
Tumakbo na ako palabas ng bahay. Naabutan ko si Kath sa labas ng bahay habang nakangisi sa'kin, mukhang alam na alam ang nangyayari sa akin.
"Sakay na. Hahabulin ka ng mga bodyguard mo." Nguso niya sa likod ko.
Sumakay na agad ako bago pa mahuli ang lahat. Tingin talaga nila magpapakasal ako eh? Pero seryoso ipapakasal talaga nila ako kay Tuck, si ma sinukuan na ako dahil hindi ako mapapayag. Si pa naman, ayon final na daw eh. Baka bukas na nga maipakasal na ako. No worries, puwede naman akong tumakas if ever.
Hindi naman ito bago sa'kin at ilang beses din nilang tinangkang gawin pero hanggang ngayon single pa rin ako.
"Alam na ng lahat na maikakasal ka 'te, tingnan mo sa billboard ng kompanya niyo oh," nadaan namin ang kompanya ni papa at totoong nasa billboard iyon. "Sakit sa mata! Ikaw din ang laman ng balita, eh. How about Troy? Nasabi mo na ba sakanya, your boyfriend?" hindi pa sigurado sa boyfriend eh.
BINABASA MO ANG
Vampire Warriors
VampireEve comes from a wealthy family where arranged marriages with their business partners' children are the norm. However, Eve wants to break free from this tradition and decides to run away. She doesn't want to end up in a loveless marriage like her co...