Chapter 5

2.5K 239 45
                                    

Chapter 5

Lumingon ako sa likuran. Napapikit na lang ako nang i angat niya ang hawak niyang punyal.

Am I going to die? Napahigpit ang pagkakahawak ko sa lace ng bag ko at hinintay ang pagsaksak niya sa akin.

"Stop that childish act, Haji. Hindi siya mortal, isa siyang bampira na nanggaling sa mundo ng mga mortal."

Nakahinga ako ng maluwag nang may magsalita sa likuran niya. Nanginig ang tuhod sa sobrang takot, nanghina ako kaya muntik na akong matumba.

Naramdaman kong may umakay sa akin. Napaangat ang mukha at tiningala kung sino ‘yon.

"Fire," banggit ko sa pangalan niya.

"Are you okay?"

Tinatanong pa ba ‘yon? Malamang, hindi. Mahina ko siyang itinulak at mabilis na lumabas sa nakakatakot na room na ‘yon.

Mga kaklase ko sila? Hindi ata ako tatagal doon.

Takbo ako ng takbo hanggang sa mapadpad ako sa isang gubat. Sumilong ako sa puno dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Sumandal ako roon at niyakap ang sarili.

Kung kanina ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko puwes ngayon parang tumigil. Shit! Hindi ako makahinga ng maayos, idagdag mo pa na basang-basa sa ulan.

"Ano bang 'tong napuntahan kong lugar? Bakit napakaraming bampira? Alam kong naiiba ako sakanila pero puwede naman siguro nila akong iwasan, diba? Hindi ‘yong tinatakot nila ako ng ganito," mahinang sambit ko at pinadyak sa damuhan ang mga paa ko.

Nanikip ang dibdib ko nang may bumulong sa tenga ko.

"Vampires will bite me. Vampires are scary and dangerous."

Napatakip ako ng tenga at mariing napapikit, pakiramdam ko ay dudugo ang tenga ko sa sunod-sunod na pagbulong ng boses babae.

"Tama na!"

Tumayo ako at tumakbo ulit kung saan. Nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang mga estudyanting nakatayo sa harap ko. Sila ba ang mga Valerian Students?

Ginala ko ang tingin ko sa palagid at napagtantong nakapalibot pala sila sa akin.

Another hot seat. Hindi ko alam kung anong pakay nila sa akin? Ang dugo ko ba o ang bag ko na may lamang pera?

"Anong kailangan niyo sa akin?"

"Ikaw. Sino pa ba?" Sambit nung kulay gray ang buhok. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ‘yong sasaksak sa akin kanina.

"Ikaw si Haji, diba? ‘yong muntik ng sumaksak sa akin? At kung hindi ako nagkakamali, ikaw din ‘yong bumully sa babaing lumabas kanina na duguan ang mukha? Tama, diba?"

"Yeah. May problema ba?"

"Malaking problema. Alam mo kung ano?"

Nilakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanya. Nagsi-atrasan ang mga kasama niya na animo'y natakot sa akin.

"Ikaw!" Sigaw ko sa kanya at dinuro. Napaatras siya bahagya na tila nagulat sa biglang pagsigaw ko sa kanya.

Akmang lalapitan ako ng mga kasamahan niya nang may magsalita sa likuran namin.

"Subukan niyong lumapit sa kanya kung ayaw niyong tupukin kayo ng bolang apoy na nasa kamay ko." Malamig na sabi ng kung sino.

Hindi ako lumingon para tingnan kung sino ang nasa likuran ko pero naramdaman kong isa-isang nagteleported ang mga kasamahan ni Haji. Si Haji na lang ang natira na mukhang natakot.

Nagreflect sa mga mata niya ang blueish na bolang apoy. This time, alam ko na kung sino ang nagmamay-ari nun. Walang iba kundi si Fire.

"Bakit ka ba nambubully?" mahinahong sabi ko sa kanya. Hindi naman kasi ako galit, takot lang.

"Valerian's nature. Umalis ka na, Haji."

Mas nilamig ako sa tono ng boses niya. Hahawakan ko sana ang kamay ni Haji nang bigla na lang siya maging abo. Teka, patay na ba siya?

Mabilis kong nilingon si Fire at tumakbo papunta sa kanya. Niyugyog ko siya at kumurap-kurap.

"P-patay na ba siya? Sabihin mo!"

Sinulyapan lang niya ako at tinabig ang kamay ko. Ibinulsa niya ang mga kamay niya saka nagsimulang maglakad.

"Fire~ ohh. Fire~ hintay!"

Nilingon niya ako at pinaningkita ng mata. Sumampa ako sa likod niya kahit ayaw niya. Pagod ako eh.

Aalisin na sana niya ako sa likuran niya nang higpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at hinalikan siya doon.

Natigilan siya pero tinapik ko siya sa balikat kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Hindi mo 'ko matiis, ano? Aigoo~ savior talaga kita."

"Assumera. Bumaba ka na diyan, pinagtitinginan tayo ng mga estudyante."

Ang bilis naman niyang maglakad. Akalain mong nakarating kaagad kami sa school. Nagteleported ba siya?

"Ano naman? Maganda nga 'to eh. Nagiging famous tayong dalawa, saka I'm sure na naiinggit ang mga ‘yan sa akin. O diba? Pak na pak!" Saad ko at bumaba sa likod niya.

"Pak na pak?"

"Hahaha, hindi mo alam ‘yon? Ay! Salita nga pala ng becky ‘yon. Wag mo na lang pansinin."

Natanaw ko sila Light na nasa labas ng hallway kaya tumakbo ako papunta sa kanila. Malapit na sana ako kaso may humarang sa akin na babae. Teka, ito ‘yong babaing kausap ni Fire kanina ah.

Tinaasan ko siya kilay, aba! Tinaasan din ako ng kilay ng bruha at mukha pang galit huh? Tinulak niya ako kaya napaatras ako.

"How dare you to push me! Porque bampira ka hindi kita lalabanan? Nagkakamali ka diyan." Tinulak ko rin siya pero mas malakas.

Lumapit siya pero hinirang ko ang bag ko sa kanya. Okay! Mas lalong dumami ang nakatingin sa amin tapos nakangisi ng nakakaloko ang bruha.

Eve, wag mong pairalin ang pagkamaldita mo. Wala ka sa teritoryo mo. Hindi ka nasa mundo ng mga tao, nasa vampire world ka.

Ayokong makipag-away pero kinakailangan. Kapag hindi ako tinigilan ng bruha na 'to, ingungod ko 'to sa sahig.

"Ano bang problema mo feelingerang froglet ka?"

"Ikaw ang problema ko, malandi ka!"

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Natahimik ang mga estudyante na animo'y naghihintay sa susunod na mangyayari.

"How come na naging malandi ako? May pruweba ka ba sa sinasabi mo? Baka ikaw ang malandi sa atin." Kalmadong sabi ko at kumindat sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan siya.

"How dare you to-"

Akmang hihilain niya ang buhok ko nang may humawak sa kamay niya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang umuusok na kamay ni Jury kaya inalis niya agad iyon sa kamay ni Fire.

"Lay your finger on her and I'll burn you to death."

To be continued...

Vampire WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon