Chapter 2

3.9K 275 131
                                    

Chapter 2

"Taga rito ba kayo?" wala sa sariling tanong ko dahilan para magtinginan sila sa'kin.

I didn't get an answer from them nang bigla akong damputin ng mga bodyguard ni papa palabas ng bar.

When I looked in the direction of Light and the others, they were no longer there, which surprised me.

How is it possible for them to move that fast?

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa mga bodyguard at naiwan si Kath na malungkot na nakatingin sa'kin.

Mukhang matutuloy na talaga ang kasal dahil tingin ko ira-rush nila ngayong gabi.

"They can't do this to me!" I exclaimed as I entered a peculiar hotel. The place had a unique atmosphere with vibrant colors, avant-garde artwork adorning the walls, and unconventional furniture arrangements.

Napabuga ako nang hangin nang ipasok nila ako sa isang malaking kuwarto kung saan nakatayo ang statue suot ang isang gown. The bed was full of accessories, different style of high heels at kung anu-ano pang bagay para sa pang kasal.

Napatingin ako sa may pintuan nang bumukas iyon at niluwal no'n si Kath na hinihingal.

"Goodluck Eve, wag kang mag-alala. Nakaready na ang mga sexy panties and bra mo," natatawang sambit niya na inirapan ko lang, nakalabas pa talaga ang dila niya eh. Ang sarap lang ingas-ngas ang pagmumukha niya sa sahig.

"Damn you Kath, are you not gonna help me to escape? Ayokong matali sa lalaki na yon!" iritang sambit ko at naupo sa kama. Tinabihan niya ako na parang nag-iisip.

Tingin ko dito mismo sa hotel na 'to ng mga Elizalde gaganapin ang kasal habang ang anak nila nakainom slash nabugbog at ako naman 'tong si tanga na uminom din. Nakakatol ba silang lahat at naisipang ikasal kami ngayong gabi? Hindi makapaghintay? God! Ako lang ata iyong bride na stress sa mismong kasal.

Kung alam ko lang na mangyayari 'to, tumakas na ako kanina pa. Nakahanda pa naman ang mga bagaheng dadalhin ko. Aish! Nakakainis!

"Help you? Well, puwede naman but I'm not the one who will help you, siya." Sabay turo niya sa punong nasa labas ng bintana.

Ano naman ang maitutulong sa akin ng punong yan? Pati ata 'tong si Kath nakasinghot ng katol nila rito sa hotel.

Tungkol naman sa nangyari doon sa kasama nila Light at Tuck, hindi ko na inalam. Basta nakita ko lang si Tuck na may pasa sa mukha and the rest was history.

Medyo lasing na rin ako no'ng damputin nila ako. I couldn't think straight to the point na wala na sa sarili at wala ng pakialam sa paligid ko.

"Kung gusto mo talagang tumakas, you will jump in the window, cross the roads and may makikita ka doon. Surely, they will help you. Kapag nandoon ka na text mo 'ko. Susunod ako sa'yo, pero hindi ako sasama," dugtong pa niya na may pilyong ngisi. "Hindi rin pala masama makipag-kaibigan sa mga iyon. Sila na ang bahala sa'yo. Huwag ka mo nang bumalik para matauhan ang papa mo."

"Wait, sinong sila? Baka mga rapist 'yan ah? Ipapalapa kita sa mga aso kapag..."

Nagkatinginan kaming dalawa at nataranta nang sunod-sunod ang katok sa pintuan.

Shit! Mabuti na lang pala at ni-lock ni Kath ang pinto.

"Eve anak, ready ka na ba? Papasok na kami diyan sa loob, magsisimula na ang seremonya." Boses pa lang, alam ko na.

Yes, it was papa and I'm pretty sure na kasama niya ang mga magulang ni Tuck the mongoloid slash manykis slash sadista.

Sorry but not sorry. Kailangan kong makaalis dito. Hindi ako magpapakasal sa hindi ko naman mahal.

Vampire WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon