Chapter 3

3.2K 256 86
                                    

Chapter 3

Matapos kong gamutin ang sugat ni Fire ay hinatid niya ako sa aking magiging silid. Walanju! Ang lalim no'n ah. Umalis agad siya nang maihatid niya ako.

Napatulala naman ako nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kuwarto. What the fudge! Bakit ang plain? Ni walang design tapos mga paint lang na nakasabit, pero in fairness, ang lawak nitong kuwarto ko. Kuwartong hindi pangkaraniwan, vampire bedroom to be exact.

"Nagustuhan mo ba, mahal na prinsesa?"

Marahas kong nilingon ang nagsalita. Tsk! Ano na naman kaya ang pakay ng Light na 'to?

"Anong kailangan mo Light?"

"Utos ni Fire na bantayan ka, since gusto 'kong asarin ka. Nagvolunteer ako," nakangisi niyang sabi kaya inirapan ko siya.

Nakaramdam ako ng pagkahilo, nanghihina ang tuhod ko.

"Light, nahihilo ako," nasapo ko ang noo ko at napahawak sa poste ng kama.

"Shit! May sugat ka, bakit hindi mo sinabi?"

Akmang hahawakan niya ang benti ko nang biglang may kuryenting pumagitna sa amin. What was that for?

"Fuck! Hindi kita pagmamay-ari kaya hindi kita mahawakan, si Fire lang ang kayang humawak sayo," sambit niya habang nakanguso.

Naiintindihan ko na ngayon, si Fire lang kayang humawak sa akin, kay Fire nakadepende ang lahat pagdating sa akin.

"Hindi kasi ako humingi ng permiso kaya hindi kita mahawakan, saka malay ko bang mangyayari 'to," sambit niya habang nakanguso pa rin.

Tumayo siya at tumitig sa mga mata ko. Problema ng lalaking 'to?

"Kung alam ko lang, di sana ako na lang," saad niya at nag-iwas ng tingin.

"Light, t-tawagin mo na lang si Fire. N-nahihilo na talaga ako," utal kong sabi.

Dahan-dahan ako napaupo sa sahig at inihilig ang ulo sa poste ng kama. Ang dami na pa lang nawala sa akin na dugo. Ito siguro ang dahilan kaya ako nanghihina.

Napatingin ako kay Light na hindi pa umaalis, ang pula ng mga mata niya at nakatakip ng ilong. Malamang, may naaamoy na dugo.

"Umalis ka na! Baka makagat mo pa ako dito!" Saway ko sa kanya. Nakakatakot ang mga mata niya.

"Pasensiya na, sige. Aalis na ako," sambit niya saka nagteleported.

Pinikit ko ang mga mata ko. Hinang-hina na ako. I waited for almost thirty minutes. As time goes by, nakatulog na pala ako na hindi man lang namamalayan.

Naramdaman kong may bumuhat sa akin pero hindi ko dinilat ang mga mata ko sa sobrang bigat ng talukap nito. Gusto kong magpahinga, pakiramdam ko ay galing ako sa gyera na sobrang napagod sa pakikipaglaban.

"Sleep well, I'll heal your wounds," huling rinig ko bago ako tuloyang makatulog ulit.

Naamlipungat ako nang may  maramdam akong mainit na dumadampi sa benti ko. Isinawalang bahala ko na lang. Matutulog na ulit sana ako nang makaramdam ako ng malamig na kamay na pinipilit imulat ang aking mga mata.

"Hmmm," sino ba kasi 'tong istorbo?

"Gising na mahal na prinsesa, ang mahuling pumasok ay tatanggap ng matinding kaparusahan," sabi ng kung sino.

"Ano naman ang pakialam ko  sa parusa na yan? Ipatapon sa dimension? I don't care, pagod ako. As in PAGOD!"

Tuloyan na akong nagising, may dedaydream pa sana ako e. Sinapak ko nga, ang ingay e.

Vampire WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon