Chapter 1
Harvey Ocampo, iyan ang pangalan ko. Masaya naman ang buhay ko eh. Marami nga lang ang nag-bago simula ng dumating ang taon na ito. Pati ang babaeng mahal ko, nag-bago rin ..
Siya si Jane Natividad. Medyo mahaba ang buhok niya, chinita at simple. Kung dati ang masayahin niya, pala kaibigan at palaging naka-ngiti, kaya mahal ko yan eh. Pero ngayon, ang lungkot lungkot na ng dating niya hindi na siya pala ngiti, hindi na rin siya masyadong kumikibo. Kahit ganyan na siya mahal ko pa rin yan kahit hindi niya alam. Oo ang bading pakinggan pero ganun talaga nararamdaman ko.
Lahat kami nagtataka kung bakit siya nagka-ganyan. Ngayon school year, kung kailan 4th year highschool tsaka pa siya naging ganyan. Akala ko nung 1st week lang ng pasukan siya magkakaganyan pero hanggang ngayon pa rin pala. 2 months na rin kasi . Hindi ko siya matanong kung anong nangyari sa kanya dahil wala rin naman akong lakas ng loob.
Nag-aalala na rin ako sa grades niya dahil madalas blanko ang mga sagot niya. Alam kong mayroon siyang problema. Kahit hindi niya sinasabi.
"Jane, pumunta ka sa office after class." sabi ng teacher namin sa kanya.
"Sige po."
Madalas napapapunta si Jane sa faculty para kausapin ng teachers dahil madalas nga siyang walang kibo, blanlo ang papel sa mga activities at minsan hindi siya nakikiparticipate sa class.
Kahit hindi naman ako tinawag ni Ma'am, pumunta ako sa kanya nung break time.
"Oh, Mr. Ocampo ano kailangan mo?"
"Ma'am tungkol lang po kay Jane. Alam ko pong may problema siya kaya sana po maintindihan niyo po ang nararamdaman niya."
"Yes Mr. Ocampo. Naiintindihan ko naman si Jane. Gusto ko lang siya kausapin, alam ko rin na may problema siya." umiling-iling si Ma'am. "Baka sakaling kapag kinausap ko siya ay mailabas niya ang nararamdaman niya." "Ang tao kasi kapag may problema, kailangan niyan ng kausap para malabasan niya ng nararamdaman niya."
"Sige po Ma'am, salamat." lumabas na ako ng faculty room at bumalik sa room.
Dahil break time nga, walang tao sa room kundi si Jane lang pero mukhang papalabas siya at mugto ang kanyang mga mata. Nilakasan ko ang loob ko, hinawakan ko siya sa braso at ..
"O-okay ka lang ba Jane?" tumango lang siya at umalis na.
Ano ba nangyari sa kanya?
Nang uwian na. Sinundan ko si Jane pauwi. Hindi naman sa stalker ako ha? Baka kasi sakaling may malaman ako tungkol sa problema niya.
Pumunta na siya sa may playground at umupo sa swing.Nagtago naman ako sa likod ng halaman ng makita kong umiiyak siya. Gusto ko man siya puntahan pero hindi pwede.
"Nakakamiss ka, akala ko ba walang iwanan?" narinig kong sinabi niya pero mahina lang, ano kaya yun?
"HACHOO!" patay. Bakit ba hindi ko napigilan?!
PAPUNTA NA SIYA DITO! SHT. ANONG GAGAWIN KO?!
Wala na rin naman akong magagawa kung hindi ..
"Nasaan na ba yung daga?" bakit ba daga pa nasabi ko?!
"Harvey? Bakit ka andito?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Matagal na rin kasi nung huli ko pang marinig na tinawag niya ang pangalan ko.
"A-ano .. kasi .. may pinagtataguan ako at may hinihintay rin. Sige Jane, una na ko ah?"
"Sige.."
"Ay teka." nakita ko pang may luha pa sa gilid ng kanyang mga mata kaya binigyan ko siya ng panyo. "Jane ... Andito lang ako ha? Kung may problema ka pwede mo sabihin sa akin."
"S-salamat Harvey." ngumiti na lang ako at umalis na.
Nang maka-uwi na ko ay nag-punta na ko sa kwarto ko pero hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi yung sinabi niya nung naka upo siya sa swing.
"Nakakamiss ka, akala ko ba walang iwanan?"
Sino kaya yun? At ano yung sinasabi niya na 'akala ko ba walang iwanan'?
------------
BINABASA MO ANG
End of Time
Teen FictionSa isang problema nag-simula ang lahat. Sa isang problema lang din magtatapos ang lahat. Ano nga bang klaseng problema ang kahaharapin nila Harvey at Jane?