Chapter 4

22 1 0
                                    

Chapter 4

"Job well done Theatre Club! Sobrang worth it ang mga pagpupuyat at kapaguran natin. Kaya dahil diyan, i-lilibre ko kayo ng dinner!"

"Wooh!" hiyaw ng mga tao sa backstage.

"Oh siya, tara na sa restaurant. Baka gabihin pa tayo lalo ng uwi nito."

Nandito nga pala ako sa pintuan sa may backstage, hinihintay si Jane. Katatapos lang ng musical theatre nila. Isa si Jane sa nag-sulat ng storya at nag-turo kung paano ang mga gagawin nila.

Lagi siyang late umuuwi nung mga nakaraang araw, kaya madalas hindi na rin kami nagkakasabay umuwi.

"Tara uwi na tayo. Sorry medyo napatagal, dami pa kasing sinabi ni Ma'am Asuncion."

"Ako naman ang nag-sabi na hintayin na kita eh. Oo nga pala, bakit hindi ka na sasama sa kanila?"

"Medyo hindi kasi ako makahinga ng ayos at masakit ulo ko."

"Hala. May kailangan ka ba?"

"Hindi. Wala naman. Gusto ko lang umuwi."

Dumaan lang muna kami sa 7eleven para bumili ng pagkain at maiinom sa byahe. Gutom na rin kasi kami.

"Ayos lang ba yung musical theatre?" sabi ni Jane pagkatapos niya uminom ng Mogu Mogu. Nasa jeep na kami ngayon.

"Oo! Grabe! Galing nga eh. Nakikita ko pa yung iba manonood mukhang nadadala sa storya. Gaganda pa ng mga boses nila." sagot ko naman sa tanong ni Jane.

"Buti naman nga nagustuhan ng nakararami yung lahat ng kapaguran namin."

"Nga pala, musta naman na pakiramdam mo?"

"Nabawasan naman na yung sama ng pakiramdam ko. Nakainom naman na ko ng gamot." sabi niya sabay ngiti.

"Ah. Mabuti naman." ngumiti na lang siya.

***

Biyernes ng umaga. Pag pasok ko ng classroom, nadatnan ko si Jane na nakatayo at may hawak-hawak na papel.

"Kanino naman kaya ito galing?" tanong naman niya.

"Patingin?" abot naman niya sa akin nung papel.

Jane,

Punta ka sa rooftop mamayang break time.

I'm going to tell you something.

- :)

"EH SINO NAMAN KAYA 'TO?! HUWAG KA PUMUNTA JANE! BAKA MAMAYA HINDI PALA MATINONG TAO YAN O BAKA NILOLOKO KA LANG!!"

"Aray naman Harvey! Sakit sa tenga ha? Kalapit mo lang ako oh! Hindi mo kailangan sumigaw."

"Sumisigaw na ba ko?"

"Oo tol! Rinig na rinig ka andun pa lang ako sa second floor, tapos third floor 'to oh!" sabi naman sa akin ng kararating lang na si Matthew, isa sa mga kaibigan at kaklase ko sa room.

"Ganoon ba talaga kalakas boses ko kanina?"

"Oo nga! Teka lang, CR muna ako." umalis na si Jane.

"Eh tol! Bakit naman kasi ganun ka kalakas magsalita kanina? Sabihin na din nating makasigaw. Pero ano bang meron?" nakita ko na nasa table pa ni Jane yung letter kaya pinakita ko kay Matthew.

"Oh yan!" sabay bigay ko kay Matthew nung letter.

"May secret admirer naman pala kasi.. Tapos.. Nagseselos ka?! HAHAHAHAHA binata ka na talaga! Kumilos ka na nga! Mauunahan ka na oh."

End of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon