Chapter 2

35 1 0
                                    

Chapter 2

[Harvey]

Break time namin ngayon. Huli akong naiwan dito sa classroom, pero paglabas ko nakita ko si Jane may kausap. Mga nasa 40's siguro? Nang madaanan ko sila, hindi ko sinasadya marinig yung iba nilang napagusapan.

"Nakita ko itong letter sa may table ni Nathan sa kwarto niya. Mukhang para sa iyo ata ito."

"Ah s-sige po. Salamat po Tita." parang naiiyak na sagot ni Jane?

"Uhm iha, huwag ka ng malulungkot ha? Malu-"

Hindi ko na naintindihan yung sunod na sinabi nung kausap ni Jane dahil medyo malayo-layo na rin kasi ako sa kanila. Pero sino kaya si Nathan? Sobrang nacucurious na ko sa mga nangyayari. Hmm, i-kain ko na lang muna 'to.

****

[Jane]

"Uhm iha, huwag ka ng malulungkot ha? Malulungkot din si Nathan nyan. Kahit man ako nalungkot din sa nangyari."

"Sige po Tita. Susubukan ko po. Salamat po talaga."

"Sige una na ko ha? Mag-iingat ka."

"Ingat din po kayo Tita."

Umalis na si tita dahil nagpunta lang naman daw siya dito para i-bigay sa akin 'tong letter at kamustahin ako. Binuksan ko yung envelope at binasa ito.

Dear Jane,

Hindi ko alam kung kailan mo 'to mababasa. Sinusulat ko 'to ngayon habang nasa hospital ako, natutulog ka kasi eh. Ang cute cute mo nga oh! Haha. Sorry nga pala kasi hindi ko matutupad yung promise ko sayo na walang iwanan. Sorry kasi hindi ko na matutupad yung promise ko sayo na lagi akong andito kapag may mga problema ka. Nakakainis lang, bakit pa kasi eh? Basta kapag wala na ko, ayokong iiyak ka ha? Lalo kang pumapanget eh. Basta tandaan mo kahit wala na ko, babantayan pa rin kita. Bestfriends pa rin tayo ha? I love you.

Ang gwapo, matalino, mabait mong bestfriend/pinsan,

Nathan

Sunod-sunod ng tumulo ang luha ko habang binabasa yung letter. Miss na miss ko na talaga siya. Bakit napaaga pa siya kinuha eh?

Well, people come and go in our lives, wala tayong magagawa. Pero pinapangako ko.. Ito na yung huling beses... na iiyak ako ng dahil sayo Nathan.

***

[Harvey]

*KRIIING-KRIIING*

Pabalik na ko sa classroom dahil tapos na rin yun break time. Buti na lang nakakain na ako.

Pagpasok ko sa room. Andun na si Jane, nakatungo. Hay, umiyak na naman siguro.

Umupo na ko at saktong dumating na si Ma'am.

"Class, since 2nd grading na rin naman. Iibahin ko na yung seating arrangement niyo." Oo nga pala bawat subject iniiba nung ibang teachers upuan namin.

Isa-isa na kami nililipat ni Ma'am hanggang sa apat na lang kaming natitira. Ako, si Jane at yung dalawa pa namin kaklase.

"Dyan sa last row. Uhm.. Harvey, Jane, Christian at Louise."

YESSSS! First time ko siya magiging seatmate!

"Hanggang last grading dyan na kayo. Nahihirapan naman kasi kayo sa palipat-lipat diba?"

"Opooo!" sagot namin sa tanong ni Ma'am.

"Iwan ko muna kayo saglit, at may meeting pa kaming teachers. Paki sagutan na lang, page 138 sa books niyo." umalis na si Ma'am after nun.

"Uhm, Jane.. Sino yung kausap mo kanina?" urgh asdfghjkl ang daldal ko!

"Ha? Yung babae ba? Tita ko yun." 

"Ah. Eh yung Nathan? Sorry di ko sinasadya marinig napadaan kasi ako kanina."

"Si Nathan?" medyo matagal bago ulit siya magsalita. "P-pinsan ko siya.. Ok lang naman kahit narinig mo." Ngumiti siya pagkasabi nun.

Teka...

N-NGUMITI SIYA?! O_____O

"N-Ngumiti ka?!"

"Haha. Syempre tao rin ako 'no." HALA?! TUMAWA PA! Nakakapanibago! Bigla na lang bumilis tibok ng puso ko. Shet ang corny!

"Ah.. hehe."

"Si Nathan.. Pinsan ko. Bestfriend ko rin at the same time. Kaso.. Namatay siya. Dahil sa heart disease. Nasa pamilya na namin yung ganung sakit. Kaya ngayon, sinusubukan ko ng mag move-on. Mas nakakamiss talaga kapag biglaan kang iniwan ng isang tao." bigla na lang siya nagsalita ng ganun.. hindi ko alam na ganun pala yun nangyari.

"S-sorry. Hindi ko alam.."

"Ok lang yun." may tumulong luha sa mata niya at binigay yung panyo ko.

 Ngumiti ako. "Tara gawin na natin 'to." aya ko sa kanya na gawin na namin yung pinapagawa ni Ma'am.

Mukhang nahihirapan siya gawin yung seatwork kaya tinuruan ko siya. Ang sarap lang sa feeling na.. medyo nagkakausap na kami.

Nang matapos na ko at pinapanood ko siya habang ginagawa yung seatwork, bigla na lang lumabas sa bibig ko yung mga salitang..

"Jane..  diba gusto mong mag move-on sa nangyari? Tutulungan kita."

End of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon