Chapter 5

21 0 0
                                    

Chapter 5

Nag-laro kami ng mga kabarkada ko ng basketball sa park. Pauwi na sana ako. Pero hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa playground ng park.

May nadatnan akong babaeng nakaupo sa swing, nakatungo.

"Jane?"

"O-oh? Harvey?" parang gulat na bati niya sa akin at may papunas-punas pa sa mukha. "Bakit ka andito?"

Hindi ko sinagot tanong niya. "Umiiyak ka ba?"

"Ha? H-hindi ah!" sagot niya.

"Ha! Hindi ka talaga magaling magpalusot." umupo ako sa kalapit ng kinauupuan niya sa swing. "Uulitin ko, bakit ka umiiyak? Yung pinsan mo na naman ba? Si Nathan?"

Doon na siya simulang umiiyak..

"Death.. anniversary niya ngayon." 

Niyakap ko si Jane. "Sige iiyak mo lang yan. Andito lang din ako, handang makinig."

Umiiyak lang siya hanggang sa nag-salita ulit siya. Pero this hindi na ako nakayakap sa kanya. "Nalulungkot pa din ako. Syempre namimiss ko na siya eh." matagal na rin simula nung huli ko siya nakitang umiyak.

Isang oras na kaming nakaupo lang sa swing. Walang nagsasalita sa amin kaya napag-isip ko nang putulin yung katahimikan.

"Tara."

"Ha? Saan?" nag-tatakang tanong niya.

"Doon sa may sorbetero." hinatak ko na siya sa braso, ayaw pa niya tumayo eh.

Nag-punta ako sa may sorbetero at bumili ng dalawang ice cream.

"Salamat." sabi ni Jane pagkaabot ko sa kanya nung ice cream.

"Alam mo ba sabi nila pag daw nalulungkot ka kumain ka daw ng ice cream?"

"Oh bakit?

"Kasi daw mawawala din yung lungkot mo."

"Oh.. Haha!" silence.. "Nakakatuwa lang no? Lagi kang andyan kapag kinakailangan ko ng makakausap tuwing nalulungkot ako. Para na rin kitang Kuya. Salamat ha!"

KUYA-ZONED. KUYA-ZONED. KUYA-ZONED.

"Kuya.. haha.. Walang anuman." ngumiti na lang ako.

Mas lumawak yung ngiti ko nung biglang niyakap niya ako. 

"Salamat talaga." bading pakinggan pero bumilis tibok ng puso ko.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari...

"JANE!!!"

"Iho, salamat sa pagdala kay Jane dito sa hospital ha?" sabi ng nanay ni Jane.

"Ah. Walang anuman po." sagot ko.

"Mabuti na lang kasama ka ni Jane, kundi baka walang makakita sa kanya at kung ano na nangyari sa kanya."

"Oo nga po. Ano nga po pala sabi ng doktor about kay Jane?"

"Ang sabi--."

"Ma? Harvey?" napalingon ako sa nagsalita.

"Oh gising ka na pala." tumingin sa akin si Jane, ngumiti ako sa kanya. "Ben! Gising na anak natin." sabi naman ng nanay ni Jane sa tatay niya.

"Tita labas lang po muna ako."

"Sige iho." lumabas na ako para din mabigyan ko sila ng privacy.

Dinala ko dito si Jane sa hospital dahil nagulat na lang ako bigla siyang hinimatay habang naglalakad kami. Hindi ko pa rin alam kung bakit. Napapaisip na lang ako, these past few weeks madalas siyang hinihimatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

End of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon