Chapter 3
Tatlong linggo na rin simula nung nag-babalik 'yung dating Jane. Lahat na ata ng nakakakilala sa kanya nanibago. Lahat tinatanong "Anong ba nangyari sayo?" "Bakit bigla ka na lang naging malungkutin?" at kung anu-ano pa. Ngumingiti na lang si Jane sa mga nagtatanong, ayaw niya rin kasi na maraming nakakaalam tungkol sa pagkamatay nung bestfriend/pinsan niya.
Pero kahit bumabalik pa rin yung dating Jane, may bakas pa rin ng lungkot sa mga mata niya.
"Oh, bakit tulala ka d'yan?" Biglang sulpot na parang kabute ni Jane.
"Ah, wala may iniisip lang."
"Sige tara uwi na tayo."
Sabay na nga pala kami umuuwi araw-araw. Hindi rin naman gaano malayo bahay namin sa kanila.
[Now Playing: I Will Never Leave You - Erik Santos or click the video on the right side -->]
You are safe here in my arms
Never fear i'll be beside you
Feel my love, touching your soul
Holding you close as i whisper to you
Mga 10 minutes na siguro kami andito sa jeep habang nagkukwentuhan. Traffic kasi. Malayo-layo pa bahay namin. Usually 5 - 10 minutes lang naman 'yung byahe namin.
I will never leave you hold on tight
Promise to stay forever by your side
I will never leave you promise I'll
Stay forever I will never leave you behind
"Hahaha! Hindi ko nga inaakala na magiging close tayo ng ganito. Kasi diba dati hindi naman gaano?"
1..
2..
3..seconds
hindi siya nagsasalita.
4..
5..
6.. seconds
Bigla na lang nasandal ulo niya sa balikat ko. Nakatulog na pala.
Stay with me and you will see
I will be the one you've been dreamin'
I won't hurt the heart that you've given me
You'll never be wounded in my arms I promise.
Tinitigan ko siya. Kahit tulog ang ganda pa rin. Napansin ko na lang na nakangiti ako nung nakita ko reflection ko sa salamin. Haha! Lakas na talaga ng tama ko dito, psh korni.
I will never leave you hold on tight
Promise to stay forever by your side
I will never leave you promise I'll
Stay forever I will never leave you behind......
And every moment, every minute, every hour of my life
I intend to live my whole life with you
I will be your home and you'll be safe forever in my arms
And we'll make it through
"Jane? Jane? Gising ka na, malapit ka na bumaba oh."
"Hmm? Ay. Hala sorry!" sagot niya ng magising siya.
"Haha okay lang."
"Para po!" tinigil na nung driver 'yung jeep. "Sige bye Harvey! Ingat."
"Sige ingat ka din."
You are safe here in my arms
'coz I will never leave you
Leave you behind.....
***
Nung mga sumunod na araw, wala normal na araw lang naman. Hanggang sa dumating 'yung mga araw na sobrang busy na si Jane para sa musical theatre ng school namin next week. Siya kasi ang vice president sa Theatre Club na 'yun. Pero hindi na lang daw siya nag-audition dahil sobrang nakakapagod at baka hindi daw niya kayanin.
"Harvey! S-si Jane!" hingal na hingal na lumapit sakin si Bryant, schoolmate ko.
"Ha? Bakit? Ano nangyari?!"
"B-bigla siyang nahimatay sa auditorium!"
Pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi ni Bryant agad ako napatakbo sa auditorium. Nakita ko naman na binubuhat na siya nung guard, dadalhin ata sa clinic.
Pinigilan ko si kuya guard. "Manong! Ako na po magdadala sa kanya sa clinic, kaklase niya po ako."
"Sige, sige." Binuhat ko siya na parang katulad sa mga bagong kasal. Habang papunta naman ako/kami sa clinic, hindi maiiwasan na pagtitinginan kami ng mga tao.
"Grabe sila Ate Jane at Kuya Harvey 'yun diba? Ang cute talaga nila 'no?"
"Oo nga! Kaso ano kaya nangyari kay Ate Jane?" Naririnig ko na mga usapan sa mga taong nadadaanan namin. Paano naman kaya kami nila nakikilala?
Nakarating na rin naman kami sa clinic. Sabi ni Ate school nurse (dalawa kasi school nurse ngayon) masyado lang daw siya napagod. Buti na lang talaga hindi na siya sumali dun sa musical theatre, kun'di baka napaano pa siya.
"Girlfriend mo ba siya?" sabi ni Kuya school nurse.
"Po? Hindi po ah. Pero sana nga po." sagot ko naman pero syempre 'yung sunod binulong ko lang.
"Haha! Narinig ko 'yun!" Loko 'tong si Kuya school nurse. -_- "Alam ba niya na may gusto ka sa kanya?"
"H-hindi po."
"Ha! Kung ako sa'yo kumilos ka na. Baka maagawan ka pa at baka mawala pa sa'yo."
"Hindi naman po kasi madali mag-tapat. Kung sasabihin ko na sa kanya, gusto ko 'yung may effort."
"Pwede rin. Pero sige, ikaw bahala. Mauna na ako."
Pagka-alis naman ni Kuya nurse. Pumasok si Bryant.
"Kamusta si Jane? Okay lang ba siya?" Hindi ko 'to kaclose, pero ang alam ko kasamahan 'to ni Jane sa Club nila.
"Mabuti naman na siya, sobrang napagod daw sabi nung nurse."
"Alam mo ba pinag-uusapan kayo nung mga tao kanina sa hallway?"
"Ah oo. Hindi ko nga alam kung paano kami nakilala eh."
"Kilala na talaga kayo ng nakararami dito. Dahil sa pagiging close niyo. Minsan pa nga napagkakamalan na mag bf/gf kayo."
"Ah. Haha. Paano mo nalaman?"
"Ge, una na ko. Kinamusta ko lang siya."
Hindi sinagot tanong ko, tss. Ang weird niya din.
Maya-maya rin, nagising na si Jane.
"Sorry! Dahil sa akin hindi ka nakapasok sa mga sumunod na subjects! Ikaw naman, sana hinayaan mo na lang muna ako dito. Andyan naman 'yung school nurse eh."
"Hindi. Okay lang sa akin. Hindi ko kaya na maiwan ka dito mag-isa."
"Naku! Salamat talaga ha!"
Nag-ring na 'yung bell. Sign na pwede na kami makauwi.
Pagkauwi ko, naisip ko 'yung sinabi ni Kuya nurse. Kailangan ko na nga ba sabihin? Pero baka kapag sinabi ko, maraming mag-bago sa amin.
----
[AN:Sino kaya si Bryant sa buhay nila Jane at Harvey? Abangan sa susunod na chapter! >:D Anyway, sorry late update. Follow me on twitter: @ItsPrncssKL ^_^]
BINABASA MO ANG
End of Time
Teen FictionSa isang problema nag-simula ang lahat. Sa isang problema lang din magtatapos ang lahat. Ano nga bang klaseng problema ang kahaharapin nila Harvey at Jane?