Weird

2K 43 0
                                    

REBEL
______________________________________________________

Pag-uwi namin sa resthouse agad akong humiga sa kama ko.

Hay...pakiramdam ko...lalagnatin ako neto.
Eversince I read that note, I felt uneasy.
Pakiramdam ko mababaliw na ako.

I'm being paranoid.

What if nandyan lang pala siya sa tabi tabi?
What if intended para kay Rage yung note?
What if totohanin niya yung nakasulat dun?
What if di na ako makabalik kapag kinuha na niya ako?

Ang daming 'what ifs'.

Di ko namalayan nakatulog na pala ako.

Paggising ko, umaga na...

'Grrr...'

Shem... Di nga pala ako nakapaghapunan...

Bumaba ako sa kusina at nagulat ako dahil walang tao sa baba.
San na kaya yun?

May pagkain nang nakahain sa mesa. Saka may note rin...

'Pumunta ako sa ulit sa hotel to investigate with Ma'am Andy...
Dito ka na lang...Mainit ka kasi nung pinuntahan kita kanina, baka lumala pa yan... Tumawag ka na lang kapag may kailangan ka. Pagaling ka ha?' ~Rage

Sus! May pa note note pa siyang nalalaman...
Pero sa di malamang dahilan, napangiti ako.

Pagkatapos kong kumain, naglinis lang ako sa bahay.

Now what? Ang boring naman...

Nanood lang ako ng tv hanggang gumabi na...
Tsk. Ba't di pa umuuwi yun?

Tinawagan ko siya pero di sumasagot. Umabot na ako ng 50 missed calls.

Nasan na ba yun? Baka naman na late lang ng uwi. Alas-otso pa naman eh.

Baka nga.

Umakyat ako sa kwarto at naligo, tapos bumaba ako at naghapunan...

I waited on the sofa hanggang sa makatulog na ako...

Nagising ako kasi may mga tunog ng susi at pintong bumubukas.

Shet. Ba't madilim? Nag brown out ba?

Tiningnan ko ang phone ko.
Oh... hatinggabi na pala.

I saw a tall figure standing at the doorstep.

"Rage...?" I asked.

Walang sagot.

"Rage? Ba't ngayon ka lang?"
Di pa rin siya sumasagot. What the hell?

"Rage may problema ka ba?"
Tahimik pa rin. Shiz! Ano bang nangyayari dito?

Maya-maya pa, parang may malamig na hangin ang dumaan. I shivered. Ang lamig.

"Rage, pumasok ka na nga lang. Malamig sa labas eh." I said.

Nakita ko siyang tumango at saka tumungo sa hagdan. I closed the door and followed him.

Hinila ko ang damit niya pero nakayuko lang siya. Di niya ako nililingon. Napansin ko rin na medyo light ang buhok niya. Wait. Anong nangyayare dito?

"Rage! Why won't you talk to me?! Magsalita ka nga!" sigaw ko. Nakakainis na kasi.

"I'm fine." sagot niya.

Bigla akong nanigas. Ang lamig ng boses niya.

He slapped my hand away from him saka pumasok siya sa kwarto niya.

What the hell is wrong with him?

Bahala siya sa buhay niya.

Pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto.
Hindi naman talaga ako nag la-lock ng pinto kasi may tiwala ako sa kanya.
It's just that, ang weird niya ngayon.

Something's wrong with him.

The Psycopath's CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon