New Look

2.7K 55 1
                                    

REBEL
______________________________________________________

Monday

4:00 am...

Nagising ako dahil may abnormal sa kama ko na talon ng talon.

"Ugh... Rage! Ano ba?! Stop it!"
I yelled.

"Eehhh... Gising na kasi!"

"For pete's sake! It's still 4:00 am!"

Bumangon ako.

"Ano ba kasing meron?" I sluggishly asked.
Umupo siya sa tabi ko saka may inabot sakin...

Kulay mint na hair dye... green contact lenses...eyeglasses... mask...

"Ehh?! Rage?! Ano 'to?!" gulat kong tanong.

"Try mong kainin."

Aba't tong pilosopong to!

"I'm not kidding Rage."

"Malamang gamitin mo!"

"Para san?!"

"Sa pwet mo."

"Pervert!!! Umayos ka nga! Sasapokin na talaga kita ngayon!"

"Eh malamang yung hair dye sa buhok mo, yung contact lenses at eyeglasses sa mata mo, at yung mask sa mukha mo."

"Arrggghh! Nakakainis ka! That's not my point!"

Nakakainis tong mongoloid na to ah! Kanina pa to! Ba't ba hindi marunong umayos to?!

"Umayos-ayos ka nga Rage! The hell is your problem?!" I yelled. Kanina pa to nang-iinis eh.

Pagkasigaw ko, aba yung abnormal ngiting ngiti lang.

"Dali na kasi... gamitin mo na yang mga yan..." he whined.

"Ayoko. Hanggat hindi mo sinasabi kung bakit ko gagamitin tong mga to."

"Kasi sabi mo nung Friday night, natatakot ka baka makita ka ni Hiro, eh wala na akong ibang maisip na paraan para makapasok ka ng di niya nakikilala. Sige na gamitin mo na yan. Bilisan mo. Malapit nang mag 5:00. Maliligo muna ako. Pasok na tayo ngayon ha?"

"Yun naman pala eh. Ba't di mo sinabi agad? Binwisit mo pa ako. Akin na nga yan!" sabi ko sabay hablot ng sa mga gamit na binigay niya.

Ngumiti lang siya ng pagkalaki-laki tapos...

"Eeiii! Excited na akong makita ang new look mo!" sabi niya with mathcing talon talon.

Tsk! Parang bata!

I went inside the bathroom...

After 10,000 years... sa wakas! Natapos na rin!

I looked in the mirror....

"Woahhh...." nagulat ako sa nakita ko.

Ako ba talaga to? I can't believe what I'm seeing right now.

I hardly recognize myself.

Sigurado akong magugulat yung si Rage...

Nagbihis ako ng school uniform saka sinuot yung lenses at glasses.
Fake lang naman tong glasses na to.

Bumaba ako at nakita ko siyang kumakain...

"Rage..." tawag ko.

"O? Tapos ka na pa---la..." sabi niya sabay lingon sakin.

He stopped eating at tiningnan niya lang ako.

"Hoy! Ok ka lang?! Baka matunaw na ako niyan!" sabi ko ng natatawa saka umupo na.

"Rage! Huy! Helloo?! Baka mapasukan na ng lamok yang bibig mo!" sita ko ulit.

Napitlag siya. Haha! Ang cute!

"U-uy. Hindi ako tumitingin sa'yo ah! Ang pangit mo kaya!" pag dedeny niya.

"Assssuuss! Kunyare ka pa! Nag bu-blush ka nga oh!" asar ko sa kanya.

" Hoy hindi ah! Di ako marunong mag blush!" tanggi niya ulit.

"Bahala ka nga sa buhay mo." I said while smiling. Di ko alam kung bakit ako ngumingiti. Baliw na siguro ako.

We ate silently.

Okay... this is getting awkward. Di ako sanay na tahimik. Palagi kasi kaming nagbabangayan at nag-aasaran eh.

"Ummm... Ano nang gagawin natin pag dating sa school?" I said to break the silence.

"Hmmm... mag-aaral...?" pamimilosopo na naman niya.

"Rage... last mo na talaga to."

"Haha. De biro lang."

"So ano na nga?"

"Hmmh... since bago na ang look mo... dapat bago na rin ang personality mo."

"What?"

"Diba alam ni Hiro na kapatid kita? Eh useless lang yang new look mo kung magpapakilala kang kapatid ko."

"So?"

"Pagdating sa school... You're not Rebel Gilberts anymore..."

"Edi sino na ako?"

"Ewan ko... Hahaha! Ikaw na bahala... basta wag kang mag pahalata na ikaw si Rebel..."

"Abnormal ka talaga! Mapapahamak ako ng dahil sa'yo neto eh!" I yelled.

He just smiled...

Shet... why do I find him attractive these days?

"No. That won't happen. I'll always come to your aid, kapag kailangan mo ng tulong. At kung may mangyari mang masama sa'yo, I won't forgive myself." sabi niya.

*dug*dug*

"Tandaan mo, walang pwedeng manakit sa'yo. Not until I'm gone." dagdag pa niya.

Asus...

"Lika na. Male-late na tayo." then he patted my head.

*dug*dug*

Hoy! Dear heart, tumigil ka nga sa kalokohan mo! Di ka pwedeng magkagusto diyan! Kapatid mo yan! Tanga ka ba?!

'Hindi naman talaga kayo tunay na magkapatid eh. Ibig sabihin... may chance... Ayeeee.' bulong ng isip ko.

Kahit na! Ano ba yan! Makaalis na nga.

The Psycopath's CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon