Akihiro Yamada (Hiro)

5.5K 105 3
                                    

*REBEL*
___________________________

Heto kami ngayon ni Rage, naglalakad papuntang school.
Ang layo nga ng distansya niya sakin.
Ang arte! Kainis.

Ilang minuto pa, nakarating na kami sa school.
Nang bigla niya akong siniko. Aba't!!!

" Di tayo magkapatid dito sa school, ha? We're..."
bago pa siya makatapos, agad ko siyang pinutol.
"STRANGERS. Alam ko na yan. Sige na. Umalis ka na. Baka mabangasan pa kita!" sabi ko.

Umalis din naman siya kaagad.
Paano na ko? Hay. Magmumukha talaga akong tanga neto.

Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Haist! Sino bang pwede maka-usap dito?
Di kasi ako sociable eh. Sorry naman.

Dahil sa di ko kayang makipag socialize, umupo nalang ako sa nakita kong bench.

"Excuse me, miss?"
boses ng lalaki yun ah.

Agad ko siyang nilingon.
Shemsss...😍
Brown hair, Dark eyes. Matangos ang ilong, maputi at matangkad. Sino ba tong gwapong nilalang na to?

" May hinahanap ka ba? Kanina pa kasi kita nakikitang lumilingon kahit saan eh. " he said.
Ano raw? Kanina pa nakatingin sa'kin? Creepy naman nun.
At dahil wala akong choice, kina usap ko nalang siya. Baka mapanis pa ang laway ko dito.

" Ahm. Bago lang kasi ako dito. Hindi ko alam ang mga pasikot sikot dito. Late na nga siguro ako sa klase ko."
sabi ko.

" Ah ganun ba? No worries! Pwede ba akong maging tour guide mo?"
he asked in a friendly tone.

Instead of feeling happy na may nakipagkaibigan sakin, nakaramdam ako ng takot at creep. May nag sasabi sa loob ko na kailangan ko syang layuan. Pero ano namang masama kung makipag kaibigan ako sa kanya diba?
Wala naman sigurong mawawala.

" Oh! Nakalimutan kong magpakilala. I'm Akihiro by the way.
Akihiro Yamada, but you can call me
HIRO."
He offered his hand.

"Rebel Gilberts."
I took his hand.

Biglang tumayo ang mga balahibo ko. Ano ba talagang meron sa taong to?
He's always giving me the creeps.

The Psycopath's CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon