A/N: Mga bae!! Nire-read ko ulit yung story and I'm back on being inspired in writing again! Gosh na-out of track na readers but please, continue and read this again and wait for updates patiently. Hahaha so yeah, I am so happy and proud when I reread this story like emegels did I really just write this? Gosh tagal kong di nagsulat sa kaadikan ko sa online games and animes so yeah thank you for inspiring me to write again Readers and Trina Mae Candido labyuu looots! Sana makapagsulat ka ng story mo at makatapos ka ng story haha goodluck bessy! I'll continue this na po, sorry dami kong dama HAHAHAHA!
----
(Dylan Smith's POV)"Angelica, promise me! You will not let her continue this fvcking nonsense game!
Alam mo from the start palang na siya ang gusto ko! Pero pinagpilitan mo sarili mo sakin! Stop it. I can't love you" Pagkatapos ko syang hatakin dito sa food court sa tabi ng tindahan ng mga shawarma."Kaya mo Dylan! Nabubulag ka lang sa kanya! Sasaktan ka lang nya! Ako nalang kasi Dylan! Bakit di nalang ako? Kaya kong ibigay lahat sayo! Kaya kitang mahalin ng sobra sobra! Pagmamahal na di niya kayang ibigay sayo!" Naiiyak na sabi ni Angelica. Naawa ako sa kanya.
"Kung may mararamdaman man ako para sayo, awa nalang yun Angelica. And stop coming to my condo without my permission. To think na you even stripped clothes and tried to seduce me. Stop it. Pity yourself. I already love Mandy. Thank you for loving me that much but I'm sorry, I can't love you back." Sabi ko at niyakap sya. Bumili ako ng tubig at shawarma para sa kanya pati ng cotton candy. Umiiyak lang sya.
"Tangina naman oh! Mahal mo ko eh! Tignan mo may pake ka nga sakin oh! Wag ka na magbulag bulagan Dylan! Tangina naman eh! Ganun ba talaga ko kahirap mahalin?!" Umiiyak nyang sigaw. Pinagtitinginan na kami dito.
"Angelica, it's not like that. One day you'll find someone who will love you much more than you can ever give. Okay? Hayaan mo nalang kaming maging masaya ni Mandy..please..kung mahal mo talaga ko, you will set me free and will want me to be happy" Pagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Kung gusto nya lumuhod ako edi go. Tangina luluhod talaga ko, tantanan nya lang kami ni Mandy. Naaawa na ko sa kanya sobra. Pero naiinis ako dahil di kami makapag date ni Mandy.
"Alam ko kaya mo pa kong mahalin Dylan..kailangan lang mawala si Mandy sa landas natin! Promise mo sakin tayo na hanggang dulo diba? Mahal na mahal kita Dylan" sabi nya ng nakangiti, hinagkan nya ako at tumakbo palayo, tumigil na sya sa pag iyak. Baliw na ata tong si Angelica.
Tumakbo ako at hinanap yung hotdog area ng foodcourt. Bumili ako ng dalawang hotdog sandwich sa Tender Juicy hotdogs at ice tea. Dali dali kong hinanap yung bench na inuupuan nila Mandy kanina. Dami ko nang kasalanan kay Mandy hays. Baka mamaya kung ano ano na iniisip nun.
Kung dumating man ang panahon na lokohin ako ng babaeng unang minahal ko at sineryoso ko, okay lang. Gagawin ko pa din lahat mapasakin lang sya.
Nakita ko na si Mandy, naluluha syang sinusuntok si Trevor. Siguro inaasar na naman sya neto.
"Bae.." Sabi ko pagkalapit sa kanya.
"WAG MO KONG MABAE BAE HA!? BWISIT KA PAG TALAGA BAE TAWAGAN NAKO PURO LOKOHAN! BAE-BAEYAKIN LANG PALA PUSO KO! BAE-BAETIWAN LANG! B-A-E STANDS FOR BIBIGUIN AT EEWAN!" Ehh?! Highblood si Bae!! Kakatakot T_T
"Bae, di sa ganun..let me explain.." Sabi ko ng mahinahon at maingat na niyayakap sya kahit na hinahampas nyang palayo ang kamay ko.
"Dun ka, ayoko na sayo bad ka" sabi nya ng naka-pout at lumuluha. Pinilit ko pa ding yakapin sya ng mahina hanggang sa di na sya pumapalag.
"Bae, ganito po kasi yan..nung emergency po nagulat po ko na nandun si Angelica promise di ko po talaga alam! Peksman cross my heart! Tas ayun po sabi nya may papakita lang daw sya tas titigilan nya na daw po tayo..pero nagshopping lang sya kaya dumiretso na po ko pabalik ng school tapos nung nakita kita kakahabol nya lang po sakin promise hinanap po kita" sabi ko ng may nagmamakaawang mga mata.
"Sus, siguraduhin mo lang haa..eh ano yung kanina?" Sabi niya habang lumuluha pa din. Kiniss ko sya sa nuo sabay niyakap sa bewang.
"Bae pagkagising ko po bigla nalang syang nasa loob ng condo ko, ewan ko pano sya nakapasok, tapos naghubad po sya sa harap ko..di ko po talaga sya pinatulan promise loyal po ko sayo Bae.." Sabi ko habang pahampas nyang inaalis ang kamay ko sa bewang nya.
"Sigurado ako may nangyari sa inyo ikaw pa tss" sabi nya sabay irap sakin.
"Aish! Bae, magtiwala ka sakin. Binago mo ko! Walang nangyari samin. Honest and loyal ako sayo!" Sabi ko habang nagmamakaawa ang aking mga kamay at nakapikit ng sobrang diin.
"Bae..date na tayo please!" Sabi ko sa kanya at kiniss sya sa cheeks.
"Oy, excuse me lang, andito pa ko makapaglandian oh. School to hindi park!" Sabi ni Trevor sabay walk out.
Tumigil na sa pagluha si Mandy. At tumingin sakin ng diretso.
"Totoo ba yan?" Tanung nya, mamula mula and mata at medyo magulo na ang buhok nya. Inayos ko ang buhok nya at kiniss sya sa nuo. At nilagay ang kamay ko sa bewang nya at pinahiga ang ulo nya sa balikat ko.
"Totoo po. Bae gusto ata nya tayong sirain..sabihin mo nga sakin diba nagbago ka na? Di mo ko lolokohin at di ka maniniwala sa bruha mong bestfriend?"
Tumingin sya sakin, walang kibo at hindi nagsalita.
Kinakabahan ako ah..
Itutuloy..