"Yow bro!" Nakangiti siya kay Dylan. Sabay tingin sa'kin. Aba! piling gwapo 'tong ugok na 'to!
"Hello, Mrs.Smith...I think, we already met" Then ngumiti ulit siya at parang may balak makipag hand shake pero hinawakan ni Dylan ang kamay ko. Nginitian ko siya kahit sobrang init na ng ulo ko.
"Hi, yeah we already met somewhere that's why I don't go there anymore" Nginitian ko siya. Bwisit talagaaa!
"Ohhh--" Babanat pa sana siya kaso may tumawag sa kanyang kumpulan ng mga babae. Schoolmate namin ni Dylan.
'Kuyaa Daniel papicturee!'
'Kuya pa-kiss!'
'Kuya take it off!'
"Bro, alis na kami ng girlfriend KO" Sabi ni Dylan at hinatak na 'ko papasok ng kotse niya. Waah! Bwisit na Daniel 'yan! Ang kapal lang talaga ng mukha! Sisirain ko talaga buhay niya kapag nasira relasyon ng kuya ko at ni ate Danica. Nuks,bait ko syet!
"Ayy,juskoooo! nakaka-irita talaga yung lalaking 'yun! Kuya mo ba talaga yun? Ah oo, magkamukha kayo eh! Pero mas bwisit siya! Ang kapal talaga ng mukha! Alam mo ba yun Bae? Ang kapaaal!" Pagkasakay na pagkasakay ko yun agad ang sigaw ko. Sa inakto ng kuya ko kagabi dahil sa texts niya kay Danica, ang sarap na niyang sunugin!
"Stop talking about him,you'll ruin our date" Nakakunot ang nuo niya, inis din siguro siya sa kuya niyang makapal ang mukha. Habang nasa daan,nag ring yung phone ni Dylan. Napatingin ako sa kanya.
"Ah,yes,yes, okay, yes, yes, okay, yeah, I'll be there" I have a bad feeling about this.
"Bae," Humarap siya sa akin. Hininto niya ang kotse. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Maiiyak na 'ko sa dami ng nangyari tapos eto siya, iiwan ako. "Emergency, I'll be back" Unti unti naramdaman kong uminit ang mata ko kaya umiwas ako sa kaniya. "Okay,Bae..kita nalang tayo bukas" Saktong pagbaba ko may taxi na agad akong napara.
"Ma'am, okay lang po yan pero wag niyo pong masyadong i-stress yung sarili niyo sa ganyan, ang ganda niyo pa naman po" Sabi ni manong driver, nginitian ko nalang siya.
"Manong,sa school nalang po" Konti palang naman ang nalalakbay namin ni Dylan kaya 50 pesos lang ang babayaran ko, binigyan ko nalang ng 500 si manong.
"Hey, Mandy Abadeer..your boyfriend seems to let you down" Tinignan ko ng masama 'tong lalaking nasa harapan ko. Bwisit! Nagtuloy tuloy lang ako ng lakad.
"You know, I won't stop talking to you if you don't talk to me" Nilingon ko siya,aba't nakangiti ang ugok ng kay lapad! Lalo akong nainis kasi kamukha niya si Dylan! Ughh!
"Your boyfriend doesn't know how to make you happy, you might want to change him" Lalo akong nainis! Ang kapaaal! Lumapit ako sa kanya at nginitian siya. Giving my 'sweetest smile' to him. Napangiti siya ng kay lapad.