(Mandy Abadeer's POV)
Next week na ang exam ng last semester. Kailangan ko ng makipag-break kay Dylan! Jusmee! kelangan kong maka-first! Ughh! Hinahanap ko siya kanina pa,pero hindi ko siya makita! Asan kaya yun? Ni hindi nga siya ma-contact kagabi kahit text wala siyang reply!
"Okay class, get a yellow pad paper let's have a quiz,"
"Sir, over ilan po?"
"75" Laglag panga ko. 75!? quiz!? Juskooo! Di ako nakapag-review kagabi kakaisip kay Dylan! Kasi naman yung lalaking 'yun eh! Nasan ba yun!?
"May reklamo ka? Ms.Abadeer?"
"H-ha? Ako ho? Ah wala po! Heheh"
Grabe,ano ba tong quiz na'to? puro enumeration T_T ansakit sakit sa utak. Tapos may define define pa! May conclusion pa! Sigurado ba siyang quiz lang 'to? Naman eh!
After test. Nagcheck kami ng papers since three hours naman per class. Grabe,naka-1 mistake pa'ko! Talaga nga namang kulang ako sa review. Sigurado akong pinagtatawanan na'ko nito ni Troy! That Gaylord! Hmp.
After ng BIO, Statistics naman. May quiz din pero over 5 lang. Exag yung isang prof namin. HUHUHU. Wala na, ansakit na ng ulo ko! Haist. Ang hirap naman nito! Mas mahirap pa sa over 75! Nebeyen! T_T
Naka-2 pts. lang ako! Waaaaaah! HUHUHUU! </3 ansakit ng heart heart ko! Grabe! Si Troy perfect,tas ako..pasang-awa! Argh! Ano bang nangyayari sa'kin? di na'ko nakaka-perfect! Grr.
"Woah,naka-2pts. lang si Mandy? epekto ng landi! hahaha" Rinig kong sabi ng isang kaklase ko. Gusto yata maguwi ng black eye ngayon.
Bago ako sumugod,pinatanong ko muna sa katabi ko kung anong score nung classmate ko. Hindi ko kasi sila kilala eh. Ang sabi,0pts. yun na sobrang nakapagpa-ngiti sa'akin. I love winning.
"Ha?May sinasabi ka? Anong score mo? Oh my gosh! Sorry, ZERO ka lang pala! Sa susunod bago ka magsabi ng kung ano ano about sa'kin, sabihin mo ng harap harapan! Duwag!" Sinigawan ko siya sa harap ng mga kaklase namin. Mamatay ka sa kahihiyan! Jeez.
Buti dismissal na, at naka-labas na'ko ng room. Ayoko ngang mag-stay dun! Madaming chismoso chismosa! Kainis! Laging bukambibig nila 'playgirl yan eh!' 'Malandi yan' 'Masarap yan pre'
Nakakairita,Nakakainis,Nakaka-bwisit,Nakaka-frustrate. Aghh! Yung mga bestfriend ko, asan na ba sila!? Si Dylan,ASAN!? Tinext ko si Kim. Kelangan ko ng makaka-usap. Shems!