Game 9

150 6 0
                                    

(Kimberly Megan's POV)

"Anj..kausapin mo na lang si Mandy..please..ayoko na ng ganitong set-up"

"I said, my name is Angelica! don't dare to call me Anj!" Galit na sabi ni Anj.

Ang totoo niyan,hindi ko alam kung bakit naging ganyan siya, pala-english, masungit, parang hindi na siya si Anj..yeah! Siya na si Angelica. Ayaw niya ng Anj. Hindi ko alam kung bakit..

Pinapalayo niya kami kay Mandy..ayaw niyang reply-an namin siya or what. Naiinis na nga ako sa kanya. Pag sasabihin kong kakausapin ko si Mandy, sasabihin niya 'Magkalimutan na tayong apat' at kahinaan namin ni Con yun..Danicon Rivera actually ang full name niya.

**FLASHBACK

Nasa airport kami para sunduin si Anj..galing kasi siya sa ibang bansa..dahil sa move on thingy..at may kasama siyang lalaki named Storm Ramos. Kakaibang aura. Nakakatakot sila.

I know him, he's one of Mandy's EXs. Bakit kaya siya kasama ni Anj? Ngumiti ako kay Danicon at nilapitan namin si Anj.

"Aaaaanj! grabe na-miss ka namin! Kamusta ka na? Oh my gosh, sumexy ka ah? sigurado akong matutuwa si Mandy pag nakita ka! Oh my gosh! gumanda ka bessy!" Sa dami ng compliment na binigay ko, isang tingin at..was that a smirk or a smile?

Ibang aura meron si Anj ngayon..parang hindi siya..tinignan ko si Storm, naka-ngiti siya sa'kin kaya napahawak ako kay Con. Keep calm Kim.

Nagmall kami at tinawagan ko ang boy bestfriend ni Mandy na si Rosh. Sabi ni Anj, wag ko na daw tawagan si Mandy dahil isu-surprise niya daw ito. Napangiti naman ako. Dumating si Rosh pero umalis si Storm. May mahalaga lang daw siyang gagawin.

May gagawin lang daw si Anj at Rosh kaya hinayaan na namin ni Con. Ganun lang kami araw araw. Minsan mag r-rides. Minsan lang ding ngumiti si Anj. Madalas seryoso at naka-smirk.

One time, nakasalubong namin si Mandy at Dylan. Pero hindi nila kami nakita, si Rosh at Anj lang.

Ni hindi man lang sila nag-usap..ano kayang nangyari? Lalapitan ko sana si Mandy pero hinila kami ni Anj papuntang open field. Grabe sa higpit yung hawak niya. Namula ang kamay ko.

"Are they REALLY dating?" May something sa sinabi niya..parang ayaw niyang paniwalaan..Nainis ako bigla dahil ang sakit ng pagkakatulak niya sa'kin. Naka-smirk naman si Storm.

"Actually, sila na" Sa inis ko, sinabi ko iyon.

"Trshdj" Hindi ko naintindihan si Anj sa sinabi niya. Para siyang nawawala sa sarili at galit na galit ang mukha niya.

Ano bang meron?

Then,nagtext sa kin si Mandy, bigla siyang pumunta sa likuran ko. 'Subukan mo siyang reply-an at puntahan, magkalimutan na tayong apat' Namutla ako at nawala sa sarili.

**END OF FLASHBACK

Aayusin ko ito biglang kaibigan, nako-conyo ako kapag nakikipagbiruan pero pag ganitong sitwasyon..sumeseryoso ako..hindi ko ito-tolerate itong mga ginagawa nila..

PLAYGIRL'S GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon