(Mandy Abadeer's POV)
Pagkapasok ko palang sa bar. Maingay na. Tinawagan ako ni Kim. Nandun din daw sila Con at Roshean. I can do this! Finally,magkikita na din kami after years.
Nakita ko si Roshean. Nginitian ko siya at siya din,nginitian niya ako at nag-guide papunta sa VIP room. Kinakabahan ako sa mangyayaring usapan. And there, nakita ko na siya.
Same looks. Curly dark red brown hair. Dark black eyes. Black and Red attire.
Nakakatakot si Anj. Sadista kasi siya. Mas malupit siyang makipag away pero minsan lang dahil takot sila sa kaniya.
"Uh..Hi?" Pagputol ko sa long akward silence.
"Traitor," Galit na sigaw ni Anj.
"Slutty,playgirl..tinuring kitang kaibigan..pero ganito ka..you fvcking bitch!" Galit na galit si Anj.
"A-ano bang sinasabi mo, Anj?" Nasindak ako sa mga sinabi niya sa'kin.
"You guys, get out!..." Pinalabas niya sila Con,Rosh at Kim. Tumango ako sa kanila.
"So, kayo na pala." Pagpapatuloy niya.
"Nino?" Tanong ko dito. Kakaibang aura. Nakakatakot.
"Maang-maangan lang Mandy? Sino pa ba? Alam mo sa sarili mo kung bakit nag out of town ako! Pabalik pa lang ako, kinamumuhian na kita,"
"Pilit kong kinakalimutan yung sa'kit, na sa bawat pagkakataon na kasama ko si Dylan..ikaw lagi ang laman ng isip niya, ikaw ang dahilan ng pag-ngiti niya," Galit na galit si Anj. Binato niya ang glass of wine niya dahilan para mabasag ang glass at masindak ako.
"Siguro ikaw din noh? Hinintay mo lang na saktan niya ako..nilandi mo siya..how nice of you..ngayon kayo na..nice talaga!" Nakatingin siya sa'kin, mata sa mata.
"Mali ka ng iniisip Angelica, hindi talaga kami..ginawa ko to para sa'yo, para ipaghiganti yung pananakit niya sa'yo..at tsaka..hindi ko siya gusto..ni katiting wala akong feelings sa kaniya..pinaglalaruan ko lang siya.." Lahat ng sinabi ko, tuloy tuloy hindi bukal sa puso. Ayokong mag-away kami ni Anj.
"Okay, saktan mo siya..make him suffer at pagsisihan na minahal ka niya..make him love you..gusto kong masaksihan ang pagbagsak niya,bessy!"
Nagulat ako. Sa lahat lahat ng sinabi ni Anj. Tinawag niya pa 'kong 'Bessy' She's my closest bestfriend. Hindi ko kayang tanggihan ang gusto niya.
"A-anj.."
"Bessy, call me Angelica okay?"
"Why?"
"That sounds better"
"O-okay..I'll go ahead..goodbye Angelica.."
Sasaktan ko si Dylan..o mamahalin ko siya pabalik? Friends O si Dylan? Ang hirap naman! Oh well, mangyari na ang mangyari. San man mapunta 'tong desisyon ni Angelica.
----
Kinaumagahan..I've decided..pipiliin ko si Angelica..di naman ako mauubusan ng lalaki!
Pumasok ako ng maaga. Sinadya kong magpaganda..This is the start. Sasaktan ko si Dylan. I think this is the best decision, tsaka eto naman talaga ang pakay ko umpisa pa lang di'ba?
"You look stunning" Sabi ni Dylan at dinala ang backpack ko. Held my hand and walked.
Nandito kami sa library. Hindi ko alam kung bakit pumayag akong dito nalang kami. Basta gusto niya lang daw akong katabi..Oh well.
"Mandy, pwede ba kitang..ligawan?"
"H-ha?"
"Ha means yes"
"T-teka..ano bang sinasabi mo?"
"Pwede bang wag muna tayong..pumasok? Let's hangout." Napangiti ako. Asus! Si Dylan talaga!
"BI ka talaga Dylan!" Natawa lang siya sa sinabi ko at hinila ako papuntang parking lot.
At Playland-
Wow ganda, ngayon lang ako nakapunta dito sa lugar na'to. Hindi na bago yung mga laro pero yung pagkakaayos ng place..ang cute.
"Tara, bump car tayo!" Aya nito sa akin. Napangiti ako at tumango.Pumunta kami sa load counter. Bumili siya ng card at pinaload-an niya ito ng 250.
Nagbump car kami. Puro banggaan lang kami. Madalas na k-corner ako at binabangga niya ko. Kahit overheight na kami..pinayagan na kaming maglaro nito.
Tinatawanan ako ni Dylan tuwing maba-bangga niya 'ko. Namumula na nga ko sa asar kasi hindi ko ma-control yung bump car ko. Ini-stolen shot naman ako ni Dylan! Tch.
Pagkatapos ng bump car ay magb-basketball daw kami.
"Hindi ko alam kung kung ilang lalaki na ang nakipag deal sa'yo dito..pero sana wag ka munang manawa, pag naka-30 shoots ako, holding hands tayo ng buong araw, 20 shoots, kiss at hugs, 10 shoots couple t-shirt.. pag 40 shoots, lahat yun..deal?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Sira ka talaga..ikaw palang yung lalaking nagdala sa'kin sa arcade. Wala pa kong nare-recieve na deal na ganyan..pero sige Deal" Kiniss niya ko sa cheeks.
"Pampa-swerte! hehe" O///O
Itutuloy..